ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebrities, netizens, nakiramay sa pagpanaw ni Liezl Martinez


Marami ang nagulat nang bumulaga ngayong Sabado ng umaga ang biglang pagpanaw ng dating aktres na si Liezl Martinez, maybahay ng aktor na si Albert Martinez.
 
Pumanaw si Liezl sa edad na 47, matapos ang ilang taong makikipaglaban sa sakit na breast cancer.

Basahin: Breast cancer ni Liezl Martinez, nagbalik

Basahin: Albert Martinez claims stem cell therapy cleared wife Liezl Martinez of breast cancer

Si Liezl ay nag-iisang anak ng veteran stars na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Sa statement na ipinadala ng mga kaanak ni Liezl, sinabing mapayapang pumanaw ang aktres.

Ayon sa tiyuhin ni Liezl na si Cheng Muhlach, mula pa noong March 9, Lunes, ay nasa ospital na ang kanyang pamangkin.

Ibuburol ang mga labi ni Liezl sa Arlington.

Sa social media, kaagad na dumagsa ang pakikiramay ng netizens at celebrities sa pagpanaw ni Liezl.
 
" You fought hard. Its time to rest. Heaven deserves an angel like you! Rest in peace!," saad sa Twitter post ni Nadia Montenegro.

"Your memory, my dearest Liezl will always be a blessing! I thank God for your life and love, my precious friend!," ayon naman kay Coney Reyes.

Pahayag naman ng isang netizen, "A beautiful person dies without any fanfare. RIP Liezl Martinez."


 

I love you BFF @liezlmartinez.
 

A photo posted by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on