ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maria Ozawa, gagawa ng special photo book project


Bukod sa pelikula, gagawa rin ng special photo book para sa isang kilalang men's magazine ang dating Japanese adult video star na si Maria Ozawa.

Basahin: Maria Ozawa reveals why she left the adult film industry

Nitong Biyernes, pumirma ng kontrata si Ozawa sa FHM Philippines na isinagawa sa Resorts World Manila para sa special photo book project na planong ilunsad sa darating na Agosto.
 




 
Ang pagpirma sa kontrata para sa photo book project ay isinabay sa autograph signing ni Ozawa para sa June issue ng FHM kung saan siya ang cover photo.
 
Nakatakdang gumawa ng pelikula si Ozawa para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan niya sa Robin Padilla. (Basahin: Maria Ozawa on Robin Padilla: 'Oh my god he's so hot!') -- Jessica Bartolome/FRJ, GMA News
Tags: mariaozawa