Filtered By: Showbiz
Showbiz

German 'Kuya Germs' Moreno, isinugod sa ospital -- report


Dumagsa ang panalangin sa social media nitong Biyernes ng madaling araw para sa  paggaling ng showbiz icon na si German "Kuya Germs" Moreno matapos  na mapabalitang isinugod siya sa ospital.

Saad sa PEP Alert ng Philippine Entertainment Portal: "Isinugod si German "Kuya Germs" Moreno sa St. Luke's hospital ngayong araw, January 7, dahil muli itong inatake."

Nag-post din ng mga mensahe ang ilang celebrity sa social media kaugnay ng pagkaka-ospital ni Kuya Germs tulad nina Direk Joey Javier Reyes,  Ogie Diaz.

 

 

Noong Enero 2015, naospital si Kuya Germs matapos ma-stoke, at kinailangan niyang magpahinga ng ilang buwan para magpalakas.

Hunyo 2015 nang magbalik siya sa kaniyang television program sa GMA na "Walang Tulugan With The Master Showman." -- FRJ, GMA News