Ipinakita ni Baby Summer ang kaniyang “professionalism” nang ibigay na niya agad ang galit na emosyon na hinihingi ng kaniyang ama na si Paolo Contis sa kanilang #Acting103.

Sa cute na video na pinost ni Paolo sa kaniyang Instagram, makikita na handa na agad si Summer sa kinakailangang emosyon ng kaniyang direktor, bago pa mag-“action.”

“Dahil #Lockdown Day103 na today, mag #Acting103 tayo! Natutuwa ako kay Summer dahil very professional na talaga!! Wala pang action, ready na agad.!!” caption ni Paolo sa kaniyang post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

 

Bago nito, ipinakita na rin ni Summer ang galing niya sa pag-arte, nang sumalang naman ito sa matinding iyakan habang on cue sa music.

Kinagiliwan din ang video ng pag-iyak ni Summer on cue na tumitigil kapag sinabihan na siya ng “Cut!” ng kaniyang tatay. – Jamil Santos/RC, GMA News