Nakatakdang magbigay ng mga libreng GMA Affordabox ang “Wowowin-Tutok To Win” sa mga winners ng programa.

Ito ang inanunsyo ni Dingdong Dantes kay Kuya Willie Revillame, kung saan si Kuya Wil ang naatasang mamigay ng 50 na libreng GMA Affordabox.

Inilunsad ng GMA Network ang sarili nitong high-quality at affordable na Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na GMA Affordabox, kasabay na rin ng pagdiriwang nito ng 70th anniversary.

Isang plug-and-play device ang GMA Affordabox na madali lamang ikonekta sa analog TV para makatanggap ito ng digital television broadcast. Maaari nang makapanood ang mga user nito ng GMA, GMA News TV, at Heart of Asia sa digital display, kasama na rin ang iba pang free-to-air digital TV channels na available sa kanilang area. – Jamil Santos/RC, GMA News