Baby pa lang pero marunong nang um-acting ang anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer Ayanna.

Makikita sa Instagram ni Paolo ang pakitang-gilas ni baby Summer, na umiiyak on cue at tumitigil kapag sinabihan na siya ng "Cut!" ng kaniyang tatay.

Hinangaan pati ng iba pang taga-showbiz ang talent ng seven-month-old na si Summer, na walang duda ay hahakot ng Best Actress Award balang araw. — Jamil Santos/DVM, GMA News