Pinahanga ni Miss Philippines Earth 2020 at proud Igorota na si Roxanne Baeyens sina Kuya Willie Revillame at “Hipon Girl” Herlene nang isalang nila ito sa Q&A.

Sa programang “Wowowin-Tutok To Win,” nagkaroon ng pagkakataon si Kuya Wil na tanungin si Roxanne sa hirap ng pagsali sa naturang pageant lalo’t isinagawa muna ito sa mga online meeting dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Roxanne, masaya raw siyang makita ang kapwa “beauty queen” na si Herlene, na sumali rin sa pageant at nagwaging “Binibining Angono ng Sining 2017.”

Isinalang ni Herlene si Roxanne sa Q&A, pero tila siya pa ang nasubok nang tanungin na niya ang Miss Philippines Earth 2020. Panoorin kung bakit. – Jamil Santos/RC, GMA News