Hindi napigilan ni Kuya Willie Revillame na mapatayo sa kaniyang upuan nang kamuntikan siyang ilaglag ni AiAi delas Alas kung sino ang syota niya.

Naging kuwela ang pag-guest ng Comedy Queen sa “Wowowin-Tutok To Win,” lalo na nang magkamustahan sila ni Kuya Wil.

Tinanong naman ni Kuya Wil kung sino ang pipiliin ni AiAi na babae bilang co-host kung magkakaroon man ito ng show.

“Sige, eh di kami ni Sanya,” sagot ni AiAi.

Hirit naman ni Kuya Wil “Kami na lang ’yun!”

“Crush mo ’yun! Crush mo ’yun eh!” pagbisto ni AiAi kay Willie, na itinanggi naman ng host.

“Wala akong crush ... Wala na akong panahon sa pag-ibig, ayoko na,” sagot ni Kuya Wil.

“Hindi ako naniniwala sa ’yo, gusto mo sabihin ko sa buong mundo kung sino syota mo eh!” hirit ni AiAi, na nagpatayo kay Kuya Wil sa kaniyang kinauupuan.

Panoorin ang kanilang nakakatuwang usapan. – Jamil Santos/RC, GMA News