Tila may nagpapasaya na muli sa puso ni "Bolera" lead star Kylie Padilla.

Ginawa ng Kapuso actress ang rebelasyon sa panayam sa "Updated with Nelson Canlas."

Sa naturang panayam, kinumusta ni Nelson ang love life ni Kylie, tungkol ng aktres,  "Yes, I am dating."

Pero tumanggi na si Kylie na magbigay pa ng detalye tungkol dito.

Noong nakaraang taon ay naging laman ng balita ang paghihiwalay nila ng asawang si Aljur Abrenica matapos na unang kumpirmahin ng ama ng aktres na si Robin Padilla.

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong 2018 at mayroon silang dalawang anak na sina Axl at Alas.

Nilinaw naman ni Kylie kay Nelson na bukas siya na maging katuwang pa rin si Aljur sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

"I'm very welcoming up with open arms, kasi kung pure naman 'yong love sa amin, everybody and his side din, bakit hindi 'yon naman importante for taking care of each, loving each other and accept each other. Why not? Bakit pa tayo magja-judge," paliwanag niya.

Gayunman, malayo pa isip ng aktres na muling mag-asawa.

"Malayo pa 'yun," aniya. "'Wag na muna, i-e-enjoy ko pa," —FRJ, GMA News