Filtered by: Showbiz
Showbiz

Dingdong, Karylle to face breakup queries together


Noong October 28 ay bumisita ang ilang piling entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa shooting ng One True Love sa Las Posadas Lakeview, Sucat, Parañaque. Naabutan naming kasalukuyang kinukunan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa bahay nila sa movie. Honeymoon scene na raw ang kukuhanan pagkatapos. Pagkatapos ng kanilang eksena ay nilapitan na nina Dingdong at Marian ang bumisitang press people at magiliw na nagpa-interview. Ayon kay Dingdong, hindi raw madali ang movie na ginagawa nila. "Mas seryoso, mas mature kesa sa mga roles na ginagampanan namin dati," umpisa niya. "Kung dati, nag-uumpisa ang mga eksena namin sa light hanggang sa puro biruan. ‘Eto, mag-uumpisa sa pinaka-peak ng story ng isang couple. Doon pa lang, magsisimula na ang conflict. "Di ba, sa iba, sa gitna pa lang pumapasok ang conflict? ‘Eto, umpisa pa lang, alam mo na ang conflict. So, buong pelikula, yun ang itatakbo niya. Hindi siya madaling gawin." Bilang isang young director, paano niya nasabing hindi madaling gawin ang One True Love? "Because it deals more with emotion. Totoo siya at puwede siyang mangyari. Applicable talaga siya sa buhay. Kung sa bigat, siyempre may scenes na mabigat, may scenes na hindi. Iisipin mo kung imposible ba na mangyari yun and maa-amaze ka," saad ni Dingdong. Two weeks na raw silang dire-diretsong nagsu-shoot na 18 hours halos araw-araw. Tuloy na tuloy na rin kasi sa November 19 ang playdate ng movie nila. CLOSENESS WITH MARIAN. Kinamusta rin ng PEP kay Dingdong ang kung anumang closeness at sweetness meron silang dalawa ni Marian ngayon. Tila nabigyan din ng kakaibang kulay ng iba ang mensahe nila sa isa't isa sa Startalk noong October 25. Nagpasalamat kasi si Marian kay Dingdong dahil palagi raw siyang pinapasaya nito at tanggap niya kung anuman ang young actress. "Ah, oo, kasi kahit naman dati. Nagtataka kayo kung bakit palagi ko siyang pinagtatanggol. It's because I understand her. If some people don't... Ako rin naman, not everyone siguro ay maniniwala sa akin. Pero kumbaga, may mga tao rin naman siguro na mali ang interpretasyon sa kanya. "And that's the reason why ipinagtatanggol ko siya. Kaya siguro nasabi niyang tanggap ko siya dahil wala naman siyang kailangang baguhin. At yun nga, that's the reason why we click, wala kaming kailangang patunayan sa ibang tao. Wala kaming kailangang itago sa sarili namin," paliwanag ni Dingdong. Hindi kaya ang ibig sabihin nito ay may espesyal na namamagitan sa kanila ni Marian? "Puwede talagang magkaroon ng interpretation," pagsang-ayon niya. "Hindi ko naman matatanggal sa tao yun, na iniisip nila yun. The thing is, kung ano lang talaga ako sa kanya noong magsimula kami, walang nagbago run. Mas maganda pa rin ang samahan namin ngayon. At ang sa akin, mas maganda na ganoon ang relasyon namin." Diretsuhang tanong: Sila na ba ni Marian? "Hindi," sagot ni Dingdong. RUMORED BREAKUP WITH KARYLLE. Nagpaliwanag naman si Dingdong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya magawang sagutin nang diretso ang tungkol diumano sa breakup nila ni Karylle. "Kasi ganito ‘yan, siguro more or less, you know basically, but we made a promise to each other. Kami ni Kay, kung sasagot kami regarding this issue, magkasama kami. Hindi naman siya isang simpleng bagay. Hindi siya madaling bagay. "I know, it's not easy for her and the people around. So, gusto sana naming maayos ang pagsagot namin sa ganitong isyu. Alam ko that the people want to hear our side. Pero ako, I really want to ask for their patience because this is not an easy thing," lahad niya. Bakit hindi pa rin natutuloy ang sabay na pagsasalita nila? "Matutuloy siya...matutuloy siya," paniniguro ni Dingdong. "Definitely, it would be this week, and she decided kasi na, since she has a column in [The] Philippine Star, so if things will turn out okay, doon na malalaman kung ano ang mangyayari. "Siguro, somebody will do the interview. Sa ngayon, nothing is definite. But one thing for sure, before the weekend, we will answer something." Nilinaw ni Dingdong na hindi raw announcement o statement ang gagawin nila ni Karylle. "Definitely, we will answer questions that have to be answered," sabi niya. "Ang sa akin, masama man or mabuti, we will be there to answer questions. Alam naman namin na there are some people who would really want to know the truth." Aware ba si Dingdong na si Karylle ay nagsasabing okey pa rin silang dalawa habang wala pa silang announcement? "Totoo naman, we talk. We talk about issues, mga bagay. Kung sinasabing okay, ibig sabihin, hindi kami nag-aaway." Are they okay because they are still together? "Well, that, I believe, is an interpretation already. I believe, I saw naman the transcription, and she didn't say naman anything specific," sabi ni Dingdong. Noong nasa Amerika si Dingdong, aware ba siya na magsasalita si Karylle tungkol sa relationship nila? "Hindi," pag-amin ni Dingdong. "Pero hindi mo matatanggal yun. Nangyari yata yun after her last night in West Side Story. Of course, hindi mo matatanggal from our friends from the press to be there. So, siguro, she just answered the questions." Agree ba siya sa mga sinagot ni Karylle? "Of course, I agree that we're friends. We're really okay. Because we were really talking naman about issues at that time and we were really at the same level." May nakakita raw na reporter kay Karylle, at nang tanungin kung kumusta na sila ni Dingdong ay ito ang isinagot niya: "Okey kami. Meron lang talagang mga taong gusto kaming paghiwalayin." Ano ang masasabi ni Dingdong dito? "Ah, yun...hindi ko alam yun! Hindi ko alam yun! All these naman, masasagot naman yun." Is their decision to talk together mutual? "To talk together, yes. But, I would like it to happen on her terms. Pero, siyempre, it's mutual. Siyempre, I want to give a due respect to what she wants. At the same time, okey naman kami sa desisyon na mutual," maingat na sagot ni Dingdong. Si Karylle ba ang hindi available? "Hindi naman... Siyempre, kailangang magkita. Minsan, hindi siya puwede. Minsan, hindi ako puwede." DEFENDING MARIAN. Aware ba siya na dahil sa malakas na balitang break na talaga sila ni Karylle, nagkakaroon tuloy ng impression na si Marian ang nang-agaw sa kaniya mula kay Karylle? "Hindi, kasi since day one wala namang kinalaman si Marian talaga sa mga nangyayari rito. She really has nothing to do with it, and she will never be a reason, kung totoo man. And that's one thing for sure," paniniguro ni Dingdong. Hindi rin itinago ni Dingdong ang totoong damdamin niya sa mga nag-iisip na gumigimik lang siya dahil may movie sila ni Marian na malapit nang ipalabas. "Isa nga ‘yan sa pinaka-inaasaran ko. Nagkataon na dumating ang lahat ng ito nang ginagawa na namin ang movie. To those who know me, I never got involved in any gimmicks or whatsoever, and the fact is I will never be. "Nakakainis lang kasi, nagkataon lang na nagkasabay pa. Kung meron lang sanang choice na hindi siya isabay rito... It's something I have to face. Hindi naman natin puwedeng balewalain ang mga bagay na ganito. So, I hope that when you talk to me as myself, you wouldn't think about what I'm promoting," saad ni Dingdong, na sinasabing pinakamainit na male star sa mga panahong ito. So, diretsahang masasabi niyang hindi siya gumigimik? "Hindi!" mabilis niyang sagot. "At asar ako sa ganoon, e. I don't think it's necessary. Especially in my case, it's a very personal thing. At very sacred sa akin ang personal kong buhay. So, bakit ko isasaalang-alang ang isang importanteng bagay para lang sa isang proyekto?" So, wala talagang kinalaman si Marian? "Wala siyang kinalaman. Wala talaga," pagbibigay-diin niya. Napag-uusapan ba nila ni Marian ang mga isyu ngayon? "Kumbaga, yung mga pinag-uusapan namin, mga general din. I don't wanna dig too much into it at pag-usapan about it with her because ayoko rin naman na maapektuhan yung ginagawa namin sa trabaho. I don't want her to see that I'm bothered. And I don't want to see that she is bothered also. "Siyempre, kapag nag-uusap kami, it's always sa setting ng movie, setting ng taping, when we are on the set. Talagang ang objective namin is to work." Sa palagay ni Dingdong, saan nanggagaling ang impression ng karamihan na tila iba ang sweetness at closeness nila ngayon ni Marian? "Ako, mas gugustuhin ko na maganda kesa sa hindi maganda ang samahan namin. Mas gugustuhin ko na we progress kesa sa hindi kami nagkakasundo." Nasulat din na umiyak si Marian after mag-usap sila ni Karylle sa SOP? Totoo ba ito? "Alam n'yo, alam ko na nag-usap sila. I even know the reasons why, but I don't believe that it [pag-iyak si Marian] happened. Siguro, it's just a mere exaggeration. Hindi ako naniniwala. Pero alam ko na nag-usap sila. Alam ko ang dahilan, at yung usap nila, it was for a good cause. Clearly for a good cause." STATUS OF RELATIONSHIP. Paano ide-describe ni Dingdong ang relationship nila ni Karylle ngayon? "Siguro, mas maganda talaga kung isasabay ko na rin ang pag-describe ko run kapag kasama ko siya. Kasi, mas gusto ko rin na kapag ganoon, kasama ko siya," sabi niya. Ano ang nararamdaman ni Dingdong na tila mas marami ang matutuwa kung sakaling wala na nga sila ni Karylle at maging sila na ni Marian? "Wala talaga, you can't really please everybody. Merong marami ang mag-a-agree, merong maraming hindi. At the end of the day, papasayahin mo ang mga taong who truly matter without disregarding the feelings of others. Kung kinakailangang kausapin ko isa-isa ang mga tao, gagawin ko. But it's impossible. Sa makakaya ko at magagawa ko sa kanila, gagawin ko." Masaya ba siya sa lahat ng pangyayari ngayon? "Hindi, because there are so many misinterpretations. But you know, once the truth is out and once everything has been settled, then I hope things can go on smoothly." Will he be happy then? "I hope, I hope..." pagtatapos ni Dingdong. - Philippine Entertainment Portal