ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lady Gaga, ipinaglalaban ang gay community


Ayon kay Lady Gaga, kaya niyang tanggapin ang ibang mga batikos sa kanya ngunit hindi niya palalampasin ang 'homophobia' o ang negatibong pakikitungo sa mga lesbian, gay, bisexuals, and transexuals (LGBT).   "I can not respect hatred and intolerance with the gay community," ito ang wika ni Lady Gaga sa kanyang matagumpay na 'Born This Way Ball' (BTWB) sa Mall of Asia (MOA) Arena noong Mayo 22, 2012, kagabi.   "It's who you are, it's part of your being, it's part of the way that God made you," pahayag ni Lady Gaga bago niya kinanta ang awiting 'Hair' para sa mga 'Little Monsters' na dumagsa sa concert venue.   Ang awiting 'Hair' ay tungkol sa 'bullying' at pagbibigay importansiya sa sarili at kalooboan.    Kinuwento rin ni Lady Gaga na nararanasan niya ang 'bullying' noong kabataan.   Gayunpaman, pinapayabong ni Lady Gaga ang kanyang adhikaing maging malaya ang kanyang mga "Little Monsters'.   Dagdag pa niya, kailangan lamang nila mahalin ng mga fans niya ang kanilang mga sarili.   Nabanggit din ni Lady Gaga na hindi siya sang-ayon sa mga bayolenteng kumento ng mga ibang tao sa kanya.   Gayunpaman, kaysa bigyan ng importansiya ang mga kumento, kinantahan nalang nito ang kanyang mga taga-suporta.   "Its not ever okay to be violent, and violence takes many forms, so tonight, lets not hide behind the controversy, lets just sing about it and release it," sabi ni Lady Gaga.   Ito ay patungkol sa mga balitang babarilin daw siya kapag pumunta ito sa Jakarta, Indonesia para sa BTWB.   Pinalitan din ni Lady Gaga ang ilang lyrics ng kanyang mga awitin ng mga salitang 'Filipino', 'Manila', at 'Philippines'.    Katulad ng 'Filipino guy' bilang kapalit ng 'Nebraska guy' sa awiting 'You and I'.     Rah-rah Manila   Sa kabila ng mga naging problema ng mang-aawit sa pagdating nito Pilipinas para sa kanyang concert, tuloy pa rin ang pangalawang araw ng concert ni Lady Gaga.   Nagkaroon ng konting agam-agam na maaaring hindi matuloy ang pangalawang araw ng concert ni Lady Gaga kapag magkakaroon ng "violations" sa concert permit.   Ipinakilala rin ni Lady Gaga sa kanyang concert ang kanyang kaibigan at gitarista na si Ricky Tillo na isang Filipino.   'Little Monsters' bilang inspirasyon   "My inspiration… I come here because you are here. With you and all of those things, you are my inspiration," wika ng mang-aawit sa kanyang BTWB.   Dagdag pa nito, hinuhugot niya ang inspirasyon mula sa mga mensaheng natatanggap niya sa snail mail at internet mula sa kanyang mga fans.   Ayon pa sa kanya, "I come here all the time to get more inspiration. My wigs, my outfits, my music, everything that I like… It all comes from you."   Maliban sa kanyang mga Little Monsters, pinapahalagahan din ni Lady Gaga ang kanyang mga dancers.   Sa katunayan, kinantahan din nito ang dalawang dancers sa naganap na concert para sa kanilang mga kaarawan.   Nakikipag-usap din ang mang-aawit sa kanyang mga fans kagabi at pinupuri niya ang paghahanda nila sa kasuotan at ang kanilang suporta para sa concert niya. — Mac Macapendeg/ELR, GMA News

Tags: ladygaga