Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Sneak peek of Baby Zia's first endorsement with mom Marian Rivera


Ipinasilip na sa social media ang ilan sa mga behind-the-scenes photos at videos mula sa unang endorsement na pagbibidahan ng tinaguriang Kapuso Royal Baby na si Maria Letizia, ang panganay na anak ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Bida si Baby Zia sa pinakabagong commercial ng isang sikat na international health care company.

"Hindi siya iyakin na bata. Sabi ko nga, nag-timeout lang kami para mag-dede siya sa akin, tapos dire-diretso na, smile pa rin siya nang smile," masayang kuwento ni Marian sa mga naunang panayam

Kitang-kita naman ang pagiging proud ng kaniyang mga magulang, lalo na ng kaniyang ama na nagmistulang stage father sa likod ng camera.

 

BTS of Baby Z's first tvc ?? from @juansarte snapchat ???? #angcutengmagina #angcutenistagedaddy

A video posted by Team Dantes (@thedongyanatics) on

 

 

Beautiful Zia ???????????? from @juansarte snapchat #MarianRivera #MariaLetizia

A video posted by Team Dantes (@thedongyanatics) on

 

Pati ang mga bumubuo ng produksiyon ay hindi rin mapigilang matuwa at manggigil sa cute na cute na si Baby Zia.

Narito ang ilan sa mga larawan ng mag-ina mula sa make-up artists ni Marian:

 

Beautiful Zia. ????@therealmarian

A photo posted by Celeste Tuviera (@celestetuviera) on

 

 

Marian & Zia #inmymakeupchair

A photo posted by Juan Sarte III (@juansarte) on

 

 

Bukod sa inaabangang endorsement na ito kasama ang kaniyang anak, nalalapit na rin ang pagbida ni Marian bilang Ynang Reyna sa upcoming remake at retelling ng Kapuso fantasy series na “Encantadia.”

Makakasama niya rito ang kaniyang asawa, pati na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Solenn Heussaff, Rochell Pangilinan, John Arcilla, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT