Mikee Quintos at Kate Valdez, aminadong kabado na makatrabaho si Nora Aunor
Hindi itinanggi ng mga Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez na kinakabahan sila sa kanilang mga eksena kasama si Nora Aunor.
Ngunit ayon din sa dalawa, magaling ang Superstar sa pag-alalay sa mga ka-eksena.
Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing makakasama nina Kate at Mikee ang Superstar sa upcoming GMA series na "Extraordinary Love."
Hanga naman sina Mikee at Kate sa kahusayan ni Nora sa pag-alalay sa mga kapuwa artista nito.
A post shared by Mikee Quintos (@mikeequintos) on
A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on
Sinabi ni Mikee noon na masuwerte siya na makatrabaho ang "isang Nora Aunor."
Sa naturang serye, magiging karibal na half-sister ng karakter ni Mikee ang karakter ni Kate.
Dati nang nagkasama sina Mikee at Kate noon bilang sina Lira at Mira sa GMA fantaserye na Encantadia.
Masuwerte naman ang ilang fans nang maka-meet and greet sina Mikee at Kate sa kanilang bonding activity na pagbuo ng puzzles.
—Jamil Santos/NB, GMA News