Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: First summer with Marian is Dingdong’s most memorable summer


Every summer, ano ang mga hindi pinapalampas na gawin or puntahan ni Dingdong Dantes? “Ang hindi ko pinapalampas? Siguro Batangas. Mga ganoon lang. Yung family kasi, mahilig magpunta ro’n, so ganoon lang, sa farm." Sa mga past summers sa buhay niya, ano ang masasabi niyang pinaka-memorable? “Siguro yung unang summer namin ni Marian together, pinaka-memorable sa amin yun. Kasi, first, e. Ang pinuntahan namin, talagang sobrang ganda ng lugar dito sa Pilipinas. Na talagang hinding-hindi mo makakalimutan," sagot pa ng I ♥ You Pare star. When asked kung puwede niyang i-share ang ilan sa mga places na napuntahan na nila ni Marian during summer, “Consistent ako, hindi ko sinasabi ang lugar," ang nakangiti niyang sagot. Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kung ano pa ang mga places na gusto nilang puntahan ni Marian, especially during summer season? “Marami, marami pa kaming gustong puntahan. Gusto kong mag-Maldives kami kung may pagkakataon." Ang Maldives ay isang munting island nation ilang milya lang mula sa India. Since Holy Week ngayon, tinanong na rin ng PEP si Dingdong about his thoughts on Holy Week at kung may mga tradition ba silang sinusunod sa mga ganitong okasyon. “Dati kasi, may mga tradition kaming sinusunod, pero, ngayon, mas gusto ko na yung Easter Sunday ang i-celebrate. Ayoko namang magluksa dahil buong taon na akong nagtatrabaho so, this is the only time to relax. “Pero dati, noong bata ako, parang walang nagsasalita, walang lalabas ng bahay, walang laro, yung mga ganoon." - Rose Garcia, PEP