ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Amalia Fuentes thinks Annabelle Rama is a 'danger to the public' after making a scene at Dolphy's wake


Nitong Biyernes ng gabi, July 13, nagkaroon ng gulo sa lamay ng Comedy King na si Dolphy. Sangkot sa gulo ang talent manager na si Annabelle Rama, na umano'y inatake ang entertainment writer na si Chito Alcid. Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Chito matapos ang insidente, nagbigay na rin ng panayam si Amalia Fuentes. Kasama ni Chito si Amalia na dumating sa event, kaya magkasabay din silang umalis. Ikinuwento ni Chito na magka-table sila ni Amalia, na isa rin sa mga kaaway ni Annabelle, nang maging agresibo umano ang talent manager. Matatandaan na sabay na sinampahan ni Annabelle ang dalawa ng kasong libelo sa Cebu noong June 28. Galit na galit si Amalia nang makapanayam ng mga reporter kagabi. Aniya, hindi raw maganda ang pinakita ni Annabelle na bayolenteng pag-atake kay Chito. "I will talk about it and I will not stop until that woman is out. Because she is bad for our public, she is bad for our culture, she is bad for her children," bungad ng dating reyna ng pelikulang Pilipino. Pahayag pa ni Amalia, tila siya raw ang talagang target ng galit ni Annabelle kagabi. "Makikita n'yo ang isang tunay na Annabelle Rama. Yun lang. Siguro gusto niya ako mag-react, takutin niya ako. Hindi naman ako natatakot sa kanya. At hindi ko siya papatulan. Hindi ko siya ka-level," saad niya. Ayon kay Amalia, hindi niya raw pinatulan si Annabelle dahil hindi raw sila magka-level. "Meron akong mga apo. They were raised well. My grandchildren, my daughter, as you can see, are raised well. "That credit should go to me, because I raised my daughter by myself. Di ba, walang ama 'yan? "And my grandchildren are raised well; they are all college graduates. "And hindi ko maatim sa sarili ko na makiki-level ako sa isang Annabelle Rama," sabi niya. AMALIA'S VERSION. Ikinuwento rin ni Amalia sa mga reporters kung ano ang nasaksihan niya, para kumpirmahin ang kuwento ni Chito. Magkakakasama raw sa isang mesa sina Amalia, Chito, at (Ilocos Sur governor) Chavit Singson bago nagsimula ang away. Nangyari ang insidente sa kuwarto kung saan nagtipon-tipon ang dating mga artista ng Sampaguita pictures. Saad ni Amalia, "Imagine, kumakain kaming lahat doon. Hindi naman siya inaaway ni Chavit [Singson]. Wala namang umaaway sa kanya, basta na lang siya nagre-react nang gano'n. "She is a danger to the public. Yun lang." Si Annabelle daw ang nagsimula ng gulo nang sunggaban nito si Chito. "Inaabangan na niya. May hawak siyang baston. 'Tapos naghahanap siya ng knife. Pagkatapos, naghahanap siya ng baso, ibabato niya. 'Tapos si Chuchi de Vega, nahulog sa mesa dahil sa pag-iwas. "Ako, basta nakatingin lang akong ganun. Hindi ako natatakot kay Annabelle," sabi niya. Ayon kay Amalia, hindi raw pinigilan ni Eddie Gutierrez ang pagwawala ng kanyang asawa. "Naaawa lang ako na makikita ko si Eddie Gutierrez, na kinakailangan pang si Governor Chavit Singson ang umawat, siya walang ginagawa, ginagano'n niya pa si Chito," sabi niya. Nang tanungin kung bakit kaya ginawa ito ni Annabelle, sinabi ni Amalia na, "Ewan ko sa kanya! May hawak pa siyang panaksak. Kaya ang sabi ko, si Annabelle Rama had a meltdown. She should be rehabilitated na because she is a danger to society." Dagdag pa ni Amalia, "Kayo na ang mag-judge. I don't want to judge. Because marami ang napapaniwala ni Annabelle Rama sa kanya. "Ako nga ang nagiging kontrabida sa gulong ito. Kasi siyempre, magaling siyang magbigay sa mga press. "Ako hindi, hindi ko alam kung paanong kalakaran ngayon. "Kasi during Sampaguita days, hindi kami nagbibigay sa mga press. "So hindi ko alam ang kalakaran. "We survive on our own merits. "So unfortunately or fortunately for me, hindi ko na naabutan yung payola o pay envelope. "Hindi ko na alam yun. "So I cannot comment, but her action speaks louder than words." Nauna si Alcid -- Anabelle Sa isang ulat ng GMA News Online, sinabing umalis na kaagad si Annabelle matapos ang insidente nitong Biyernes ng gabi kaya hindi na nakunan ng pahayag. Pero sa kanyang mga post sa Twitter account, sinabi ni Annabelle na si Alcid ang sumunod sa kanya sa comfort room. ‏@annabellerama2: “nakita ko yung baklang duwag, fake na reporter sa dining. “Sinundan nya ako sa cr at hinarap nya ako, akala ng gago na yan na natatakot ako sa kanya. “Kaya ko sya hinampas ang yabang kase dahil marami syang kasama. Duwag matapang ka lang sa facebook at twitter. Nitong nakaraang buwan, kinasuhan ni Annabelle ng libel sa Cebu City sina Alcid, Amalia at Nadia Montenegro. (Basahin: Demandahan nina Annabelle, Nadia at Amalia, nakarating na sa Cebu) Sa isa pang post ni Annabelle sa kanyang Twitter, humingi siya ng paumanhin kay Zsa Zsa Padilla at pamilya Quizon sa naganap na kaguluhan. @annabellerama2: "To Zsa Zsa and the Quizon family, I am so sorry for what had happened at the dining area of the Heritage. I was provoked by a fake reporter. -- Mark Angelo Ching, PEP/ FRJ, GMA News