ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Krista Miller on Cesar Montano: 'Attractive siya, oo. Guwapo siya, pero hindi siya yung klase ng guy na gusto ko'


Nagsalita na ang baguhang aktres na si Krista Miller, ang babaeng sinasabing dahilan ng problema sa pagsasama ngayon ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Sa artikulong isinulat ni Erwin Santiago sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Lunes, sinabing ginawa ni Krista ang paglilinaw tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya sa eksklusibong nakapanayam ng The Buzz. Iginiit ng baguhang aktres na hindi siya kabit ni Cesar na kasama niya sa pelikulang Alfredo Lim: The Untold Story. Bukod sa pagiging bida sa pelikulang hango sa buhay ni Manila Mayor Alfredo Lim, si Cesar din ang direktor nito. “He’s my director, I respect him. He loves his family. Hindi po para bigyan niya ako ng motibo," tugon ni Krista sa mga tanong ni Boy Abunda, host ng TV show. Basahin: Are Sunshine Cruz and Cesar Montano having marital problems? Dagdag pa niya: “Alam kong pamilyado rin siyang tao para magbigay ako ng motibo sa kanya. Ginagalang ko po siya." Hindi rin umano siya nagpapadala ng kanyang seksing mga larawan kay Cesar. Wala rin umanong katotohanan na binibigyan siya ng mga gamit ng aktor tulad ng T-shirt at iPhone 5. “Tito Boy, I have more than five suitors na puwedeng magbigay sa akin ng mga ganoong regalo. Pero may pera ako, kaya kong bumili," anang baguhang aktres. “At saka, hindi ko hahayaan ang sarili ko na pababain ang sarili ko dahil lang sa iPhone 5, yun lang po," pagdiin ng dalaga. Bagaman aminadong gwapo si Cesar, natatawang ipinahayag ni Krista na: “Attractive siya, oo. Guwapo siya, pero hindi siya yung klase ng guy na gusto ko." Sinabi rin ni Krista sa ulat na iginagalang niya si Cesar at batid niya na mahal ng actor-director ang kanyang pamilya. Itinanggi rin niya na bahagi ng gimik ang kontrobersiya para i-promote ang kanilang pelikula. Hindi umano si Cesar ang klase ng taong isasakripisyo ang pamilya para gumimik. Basahin: Cesar Montano on marital problems: Dapat ayusin sa loob ng pamilya Dahil sa kontrobersiya, sinabi ng dalaga na nadadamay na rin ang kanyang pamilya. Gayunmpaman, pilit umano niyang inuunawa ang lahat kahit masama ang kanyang loob sa mga naglalabasang paratang. “Sumama ang loob ko, oo, inisip kong mabuti, inintindi kong mabuti. Inunawa ko siya. Dapat ba akong magalit?" pahayag niya. “Tinanong ko ang sarili ko kung dapat ba akong magalit? Hindi, e. Kasi, walang katotohanan ang lahat," patuloy niya. Sa kabila ng lahat, sinabi ni Krista na kailangan niyang maging matatag dahil ang mundo ng showbiz ang napili niyang propesyon. “Pinasok ko ‘to, kaya tanggapin ko ang lahat ng pagsubok. Pangarap ko ‘to," ayon kay Krista. - FRJ, GMA News