
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Geoff Eigenmann sa taping ng
Forever ng GMA-7, napag-usapan ang tungkol sa lupa niya sa Tagaytay. “Actually matagal na yung lote na iyon, pero yung house, to follow pa. Kasi ang inuuna kong bahay sana is here sa Manila. “Next project yung sa Tagaytay,” sabi niya. Inuumpisahan na ba ang pagpapagawa ng bahay niya sa Manila? “Actually hindi pa. Naghahanap ako ng house, naghahanap pa. “Not necessarily budget-wise, but I have a specific look na gusto ko—specific number of bedrooms. “Gusto ko malaki ang yard.”
SECURITY. Aminado naman si Geoff na paghahanda na ito sa future nila ni Carla Abellana sakaling ikasal na sila. “Ganoon na, pang-settle down. Hindi na yung ano... sayang lang ang condo, e. “Kasi kami ni Carla, mahilig kami sa dogs, e. So sana, malaki ang yard. “At gusto namin big dogs talaga, so gusto namin may place to roam around. “Kahit walang swimming pool, basta may yard.” Bakasyunan sana ang ipapatatayo niya kung sakali sa Tagaytay. “Yes, it’s a family home if ever, para sa lahat.”
RIVALRY. Kasama ni Geoff sa PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan si Dingdong Dantes, na kagaya niya ay isa sa leading men sa bakuran ng GMA-7. Hindi ba sila nagkaroon ng rivalry? “A, never! Never, never naging ano yun,” pagsisiguro ni Geoff. “Actually, sobrang thankful nga ako kay Dong kasi noong... when I first became part of PPL, I was still with ABS. “Tapos, naging option to transfer here to GMA. Sabi niya, nagka-conversation sila ni Perry. “Siya pa mismo nagsabi na, ‘Okay lang, wala akong problema kung lumipat si Geoff dito, I don’t mind talaga. I will welcome him with open arms.’ “So very thankful ako doon. So, never naging ano talaga. “And in all honesty, gusto ko nga magkatrabaho si Dingdong. “Kung puwede kaming magkasama [sa isang project].” Hindi pa nga ito nangyayari. “Never, never. Wala, wala... never. “Iyon. As much as possible, I’d love to work with him kahit support ako sa kanya, I won’t mind.” Nag-suggest kami na maganda kung magsasama-sama silang apat nina Carla at sina Dingdong at Marian Rivera sa isang proyekto. “Iyon, puwede yun,” pagsang-ayon naman ni Geoff. At magpapalit sila ng kapareha—sina Geoff at Marian ang partners at sina Dingdong at Carla naman. “Puwede, puwede, something different, that would be really nice. “Ako, I won’t mind, basta maganda naman yung script, siyempre all out yun.”
POLITICS. Speaking of Dingdong, marami ang kumukumbinsi dito na tumakbo sa pulitika. Kay Geoff ba, may nag-approach na? “Meron na. A lot of people have been saying na… ang dami kong nakakausap na sinasabi na, ‘You’ll be perfect for politics.’ “Kasi I’m very approachable daw, ang daming nagsasabi. “But ako, I’ve never really thought of the idea, kasi ever since before, I never aligned myself with politics. “Ayoko as much as possible, e. It may be very close, yung show business and politics, pero ayoko talaga, e. “As of now talaga, hindi, there’s no ano for me... no reason for me to join or to delve into politics.” Surprisingly, sa laki ng pamilya nila ay walang pulitiko sa buong Eigenmann clan. “For sure, maraming [nag-approach]... from what I know. “Especially my mom [Gina Alajar], maraming lumapit sa mom ko as in to run for vice mayor... mga ganyan. “Ang sa akin naman, I can help in other ways instead of going into politics—sad to say it’s dirty, e. “Merong malilinis na politicians, but majority of it is really dirty and it’s more cutthroat than show business. “So mas literal na cutthroat ang politics, so ayoko.” Hindi kaya siya ang unang Eigenmann na papasok sa pulitika? “Wala, e. As of now talaga, walang rason para pumunta ako doon, so I’d rather keep it that way. “But siguro, in the future, things can still change. "Depende siguro kung ano yung magiging takbo ng buhay ng lahat ng tao, so…”
SHOWBIZ. Mas may chance ba na sundan niya ang yapak ng ina na si Gina Alajar at ama na si Michael de Mesa sa pagdidirek? “Yeah! Definitely mas open ako doon! "I like the visuals kasi, yung mga napapakita ng isang director. “It’s really different when you’re taking care of the whole production of the story... kung paano tatakbo. “So mas alligned ako with that and even, kunwari, writing a script, mas okay ako doon. “When I was in high school, marami akong ideas. Hanggang ngayon naman, may mga ideas. “But yung really sitting down and writing a script, wala pa naman. “Kasi, I really need to know kahit yung basic things about writing a screenplay. "So mas open ako to that than politics. “So I’d rather stay in show business and maybe even go beyond the camera, behind the camera... pero iyon lang.” --
Rommel Gonzales, PEP