ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Meg Imperial, masaya sa trato sa kaniya ng GMA-7


Kabilang si Meg Imperial sa mga mapapanood sa bagong Kapuso sexy drama-comedy series na "D’Originals" na magsisimula na sa April 17.

Pero bago nito, dating napanood si Meg sa dalawang TV station kung saan nagkaroon siya ng mga regular show. Kaya naman marami ang nagulat na maiulat na kasama siya sa D’Originals ng GMA-7.

Sa ulat ni Ruel Mendoza sa PEP.ph nitong Huwebes, sinabi ni Meg na dati na rin naman daw siyang lumabas sa ilang shows ng Kapuso noong nagsisimula pa lang siya.

“I remember nung nagsta-start ako, nandito rin ako lagi noon. Iba lang ang name na gamit ko before.

“But this is the first as me, as Meg Imperial na.

“So far, okay naman ang working environment namin.

“The staff are nice and magaan naman. Since bago ako, tinitimpla ko pa ngayon.

“It’s a good thing na I know some people na rin na nakatrabaho ko na from before.

“Thankful ako sa Kapuso Network for giving me the opportunity.

“I'm very happy with their treatment dahil napi-feel ko na inaalagaan talaga nila ang artista.

“I'm really looking forward to this project. The cast is so fun to be with. Masaya kaming lahat sa show,” pahayag pa ni Meg nang makapanayam namin siya sa press launch ng "D’Originals" sa GMA Network Center.

Sa "D’Originals," gaganap si Meg na other woman ng mister ni Kim Domingo na si Archie Alemania.

LOOK: Meg Imperial on going toe-to-toe with Kim Domingo: 'Madaming dibdiban!'

Kasama rin nina Meg at Kim sa “D' Originals” sina Jaclyn Jose, Jestoni Alarcon, Katrina Halili, LJ Reyes, Mark Herras, Lovely Abella, Archie Alemania, Elyson de Dios, Mikoy Morales, Chlaui Malayao, at Arny Ross. -- FRJ, GMA News