Sen. Miriam Santiago mayroon ding sakit sa buto
Habang nagpapagaling sa mild stroke, natuklasan ni Senador Miriam Defensor-Santiago na mayroon din siyang sakit sa buto na âchronic bone marrow disorder" kung tawagin. Sa pagsusuri ng Philippine Heart Center Laboratory nitong Biyernes, lumabas na mayroong âabnormally low red blood cells and low hemoglobin" ang senadora, ayon sa ipinalabas na pahayag ng kanyang tanggapan nitong Sabado. Ang naturang sakit na kilala rin sa tawag na âslow bone marrow" ay nagdudulot ng âfatigue, dizziness, shortness of breath and heart palpitations." Pinayuhan ni dating Health Secretary Esperanza Cabral, isa rin cardiologist, na bigyan ng gamot na âEpoetin" si Santiago upang makalikha ng mas maraming blood cells. Bukod sa nasabing sakit sa buto, napag-alaman din na mayroong âhigh cholesterol, high triglycerides, and very high LDL (known as âbad" cholesterol)" ang mambabatas. Lumabas din sa pagsusuri na mataas ang kanyang uric acid, calcium at blood urea. Samantala, isang duktor na humiling na huwag banggitin ang pangalan, ang nagsabing inilalagay ni Santago ang sarili sa kapahamakan dahil sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho. âSen. Santiago is a ticking time bomb. Her lifestyle is ultra stressful, because she is too passionate and intense about her work. She is endangering herself," ayon sa duktor. Nauna nang pinayuhan ng kanyang mga duktor si Santago na umiwas muna sa pulitika habang nagpapagaling matapos makaranas ng mild stroke at hypertension noong Miyerkules na dahilan para pumutok ang mga ugat ng kanyang kanang mata. Sinabi rin ng mga duktor kay Santiago na huwag munang dumalo sa sesyon ng Senado sa Lunes. Noong mga nakaraang araw, nagbangayan sa media sina Santiago, Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa pondo ng Senado. â Rouchelle R. Dinglasan /LBG/FRJ, GMA News