ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Higanteng blue marlin, nahuli ng mga mangingisda sa Samal, Davao


Bagulat ang mga residente ng isang barangay sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte dahil sa pambihirang laki ng "malasugue" o blue marlin na nahuli ng mangingisda sa dagat.

Basahin: Higanteng isda na 'mola-mola,' natagpuang patay sa baybayin ng Surigao del Norte



Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabing ang dambuhalang isda ay tinatayang may bigay na mahigit 500 kilo o kalahating tonelada.

Karaniwan daw na nasa 200 hanggang 400 pounds ang bigat ng isang blue marlin.

Sa pagtaya ng mga mangingisda, aabot sa P150,000 ang halaga ng nahuling isda. Pero hindi na nila ito ibinenta at sa halip ay pinaghati-hatian na lang ng mga residente. -- FRJ, GMA News