Patok online ang nakaaaliw na volleyball match sa Puerto Princesa, Palawan.

Nauwi sa basketball match ang paliga ng volleyball.

Ayon sa Unang Balita nitong Huwebes, iniulat ng Super Radyo Palawan na nangyari ang palaro sa Barangay Mauyo nitong Sabado.

Katatapos lamang umano ng elimination round at nagkaayaan ng isang exhibition game ang mga manlalaro mula sa iba't ibang teams.

Pero sa halip na paluin ang bola pabalik sa kabilang court, dinribol at sinyut ito sa basketball ring.

Marami ang natatawa sa kuwela at nakaka-good vibes na laro. —LBG, GMA News