Sa gitna pagdami ng mga kaso ng dengue, isinasagawa ang Operation Palit-Basura sa ilang barangay sa San Fernando City, La Union.

Sa Barangay Bangkusay, ang mga naipong basura gaya na lamang ng mga plastic at lumang gulong, ay pinapalitan ng bigas. 

Layon ng operasyon na mahikayat ang mga residente na maglinis ng paligid para maalis ang mga pinamumugaran ng lamok.

Inuuna ng San Fernando LGU ang 10 barangays na may mga pinakamararaming kaso ng dengue.

Natutuwa naman ang mga residente dahil nalilinis na ang kanilang kapaligiran, at may pangsaing pa sila, ayon sa ulat. —LBG, GMA News