Kinagigiliwan ang isang Grade 10 MAPEH teacher sa Lapu-Lapu City, Cebu, dahil sa pagtuturo niya ng dance moves sa kaniyang mga estudyante bago simulan ang kaniyang klase.

@arielgrijaldojr Energizer muna bago mag start ng klase para d antukin mga bata. #fyp??viral #tiktokeristsiteacher #foryourpage ? original sound - rjgrijaldo14

Sa “Unang Balita” nitong Biyernes, sinabi ni teacher Ariel Grijaldo ng Pajo National High School, na gusto niyang pasiyahin ang kaniyang mga estudyante.

Ginagawa niya ito para mapawi ang kanilang pagod sa mga nauna nilang subject. — Jamil Santos/VBL, GMA News