Kinagiliwan ang huling sulyap at tila paghingi ng basbas ng isang groom sa stan niya sa Twice na si Mina bago siya ikasal sa Bulacan.

Sa ulat ng State of the Nation, mapapanood ang Tiktok video ni Pat Cruz ng reaksyon ng kaniyang groom na si Paul Vispo matapos niya itong bigyan ng photocard ni Mina.

"Crush ko ito Mama, titingnan ko ito, para mabilis ang 'I do,'" sabi ni Vispo.

At habang naglalakad na patungong altar si Pat, muling kinuha ni Paul sa bulsa ang larawan at tiningnan ito.


Tila ito na ang nagsisilbing huling sulyap ni Paul kay Mina bilang single.

Ayon kay Pat, ipa-prank niya dapat si Paul at bibigyan ng kahon ng tablet na walang laman, at isusunod niya naman talaga ang tablet.

Ngunit sa base sa reaksyon ni Paul, mas natuwa pa siya sa litrato ni Mina kaysa tablet. â€”Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News