Nasawi ang isang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng dalawa niyang kaibigan na nakainuman niya sa rooftop sa Baseco Compound sa Maynila.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing sa rooftop din mismo kung saan nangyari ang insidente natagpuan ang katawan ng biktima.

Tukoy na ng mga pulis ang mga nakatakas na suspek.

Inilahad ng isang saksi na nakita niyang duguan ang mga kamay at paa ng mga suspek. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News