Patay ang isang working student matapos sagipin ang dalawang batang babaeng muntik malunod sa dagat sa Liloan, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ang nasawi na si Jundel Escorel, nagtatrabaho bilang substitute security guard sa isang private resort sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, isang pamilya ang nag-outing sa pinagtatrabahuhang resort ni Escorel.

Sinabi ng ilang saksi na nalunod ang dalawang batang babae kaya sumaklolo si Escorel.

Nasagip ang mga bata ngunit natangay si Escorel ng malaking alon.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News