MANOOD AT MAKINIG, MAAARI KA NANG MAG-UWI NG PREMYO
Manood ng Lolong sa GMA Primetime at GTV at mag-selfie habang nanunuod ng Lolong para magkaroon ng chance manalo ng cash prize!
SINO ANG PUWEDENG SUMALI?
Ang contest ay para sa lahat ng taga-subaybay ng Lolong mula sa telebisyon, edad 18 years old pataas.
PAANO SUMALI?
1. Para makasali, manood ng Lolong sa GMA at sa GTV mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM sa GMA Primetime at 9:40 PM sa GTV.
2. Mag-selfie habang nanonood ng Lolong. Dapat makita nang buo ang GMA logo sa iyong TV screen at selfie habang nanonood ng kahit anong eksena sa Lolong.
3. Makinig ng mabuti dahil sa dulo ng palabas, ipapakita na ang tanong si Lolong.
4. Sa tanong ni Lolong, magkakaroon ng dalawang sagot na puwedeng pamilian ng mga manonood. Ang tanong na ito, makikita lamang sa TV at hindi sa social media.
5. Para naman sa pagsagot, pumunta lang sa GMA Public Affairs Facebook page at i-click ang link para sa corresponding post (https://www.facebook.com/gmapublicaffairs) para makapunta sa microsite.
6. Maaaring mag-submit ng entry pagkatapos makita ang tanong sa GMA at sa GTV. Ang cut-off para sa pag-upload ng entries kada araw ay hanggang 12 PM kinabukasan.
7. JPG ang format ng inyong selfie sa kahit anong size. At i-type rin ang tamang sagot sa loob ng microsite.
8. Simula March 3, 2025 – May 30, 2025 manood ng Lolong para sa chance na manalo!
9. Dalawa ang mananalo kada araw, isa sa GMA at isa sa GTV na ia-announce naman tuwing Sabado matapos makumpleto ang sampung mananalo. Sampu ang mananalo ng 3,000 pesos EACH kada linggo.
10. Ang winners ay i-a-announce sa Facebook page ng GMA Public Affairs tuwing Lunes. Makukuha naman ng winners ang kanilang premyo pagkatapos silang kontakin ng Lolong team sa loob ng isang linggo matapos ang announcement.
PAANO MAG-SUBMIT NG ENTRY?
1. Puntahan ang registered microsite para sa contest na ito.
2. I-upload sa ang iyong selfie at ilagay ang mga hinihinging impormasyon: (First name, Last name, Address, E-mail Address, Contact number, Birthday at ang Tamang Sagot)
Hintaying lumabas ang “THANK YOU FOR SENDING YOUR ENTRY.” Ito ang signal na successful ang iyong pagsa-submit.
3. Maaaring ipadala ang iyong entry hanggang 12pm kinabukasan.
4. Mula sa lahat ng submitted entries, gagamit ang Lolong team ng online randomizer para makapamili ng 10 winning entries sa ating raffle.
VERIFICATION PROCESS
1. Gamit ang online randomizer, mamimili ng 10 weekly winners sa ating raffle ang Lolong team.
2. Mangyayari ang pagpili ng 10 weekly winners tuwing 10 am nang umaga ng Lunes. Via Zoom ang venue ng ating pagpili kung saan makikita ng lahat ng program representatives at DTI representative ang pag-operate ng online randomizer.
3. Matapos mabuo ang 10 weekly winners mula sa online randomizer, Kokontakin ng Lolong team ang winners para ma-confirm ang kanilang impormasyon at katibayan ng kanilang tunay na pangalan at edad at siya ay padadalhan din ng registered postal mail at e-mail gamit ang account na: _________________
PAANO KO MALALAMAN NA NANALO AKO?
1. Abangan tuwing Lunes ng hapon (maliban kung Holiday kung saan ang winners ay i-a-announce the next working day) sa official Facebook page ng GMA Public Affairs ang listahan ng weekly winners.
2. Ang mga nanalo ay kokontakin sa mobile number na ni-register sa microsite. Tiyakin na tamang numero ang inilagay. Magpapadala rin ng notification via registered postal mail at e-mail address ng nanalo.
PAANO MAKUKUHA ANG PAPREMYO?
1. Ipadadala ang cash prize via GCash o kahit anong money transfer service na mayroon sa iyong lugar. Ang taxes, bank transaction fee o remittance fee ay sasagutin ng programa. Ang taxes, bank transaction fee o remittance fee ay sasagutin ng programa.
2. Puwedeng i-claim ang premyo hanggang 60 araw (from receipt of registered notice, call out or email) matapos tanggapin ng nanalo ang registered mail kasabay ng pagtawag ng aming staff.
3. Ang mga premyong hindi make-claim sa loob ng 60 araw ay ipawawalang bisa na ng may paunang pagsang-ayon ng DTI.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)
KAPAG NANALO NA AKO NG ISANG BESES, PUWEDE PA BANG SUMALI ULIT?
Isang beses lang maaaring manalo ang bawat sasali sa ating weekly promo pero lahat ay maaaring sumali ulit sa finale week para sa grand prize.
KAPAG MALI ANG AKING SAGOT O HINDI AKO NAPILI, PUWEDE BA AKONG SUMALI ULI?
Maaaring sumali nang sumali hangga’t hindi pa nananalo.
ISA SA MGA KAMAG-ANAK KO AY NAGTATRABAHO SA GMA. MAAARI BA AKONG SUMALI?
Lahat ng empleyado ng GMA Network at subsidiaries nito pati na rin ang kanilang mga kaanak hanggang second degree of consanguinity or affinity ay disqualified sa pagsali sa promong ito.
HANGGANG KAILAN PUWEDENG I-CLAIM ANG PAPREMYO
Puwedeng i-claim ang premyo hanggang 60 days (from receipt of registered notice, call out or email) matapos tawagan ng aming staff. Ang mga premyong hindi make-claim sa loob ng 60 days na nabanggit ay mawawalan ng bisa na may kaukulang pahintulot at pagsang-ayon mula sa DTI.
PROMO PERIOD:
PROMO PERIOD: MARCH 3, 2025 - MAY 30, 2025