advertisement
Celebrity Life

Celebrities na nakatanggap ng body-shaming comments

1 of 30

KC Concepcion  

Actress-singer KC Concepcion laughed off the comments of her basher back in 2020, who told her on Instagram that she has no curves at all.

2 of 30

Ninong Ry

Popular YouTuber and chef Ninong Ry poured his heart out on Facebook about having a hard time finding the right clothes that will fit him. He said, “Buong buhay ko, nag struggle ako sa mga bagay na isusuot ko. Ang hirap humanap e. Bilang isang lalaking mataba, wala gaanong choices talaga pag sa mall ka namimili kaya sa mga nagtatanong bakit iisa palagi ang soot ko, eto ang dahilan.”

He also discussed his experience on being looked down upon by people because of his weight. The celebrity chef said, “Dagdag mo pa ang walang katapusan na pangbobody shame ng mundo sayo. Minsan nakakahiya na lang lumabas kasi alam mong pinagtitinginan ka ng tao.”

3 of 30

Jackie Forster

Umalma naman si Jackie Forster sa nakababastos na komento patungkol sa kanyang katawan: “I'm not fat, I'm chunky. And I'm secure enough with myself that even with all my stretch marks and cellulite at 42 with 5 children to still dare to wear bikinis!”

advertisement
4 of 30

Bianca Umali

Pinintasan ng ilan ang Instagram photo ni Bianca Umali at sinabihang mukha raw siyang “tuyot” at “matanda.” Hindi naman na ito pinansin pa ni Bianca ngunit ipinagtanggol naman siya ng rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid mula sa mga body shamer.

5 of 30

Saleema Refran

Habang bumubuo ng balita tungkol sa “weight policy” ng Angkas noong Enero, ibinahagi ni GMA News reporter Saleema Refran na ilang ulit siyang inunsulto ng isang Angkas rider. Aniya, tinawag siya ng naturang rider na “mataba,” “overweight,” at “obese.”

6 of 30

Angel Locsin

Nakaranas ng body-shaming si Angel Locsin sa learning module ng Department of Education (DepEd) kung saan inilarawan siyang “obese.” Humingi na ng tawad ang DepEd sa aktres kaugnay ng isyu.

advertisement
7 of 30

Chynna Ortaleza

Bumuhos ang emosyon ng celebrity mom na si Chynna Ortaleza sa Instagram post niya noong February 2021, kung saan tinalakay ng former Idol sa Kusina host ang nakukuha niyang komento tungkol sa kaniyang pangangatawan.

Ayon kay Chynna, narinig na niya noon na sabihan siya ng 'Ang payat mo' o tanungin kung siya ba ay anorexic.

May paalala ang versatile actress tungkol sa mga ganito klaseng insensitive comments. Aniya, “ It is a very vicious cycle. And yes even people who like me were born with a metabolism so fast we burn calories like a boss need to share.

“The concern is much appreciated but then again the way it is said is something that needs to be talked about.”

Dagdag niya, “All I'm saying is we need to try to be impeccable with what we say. Mindful in the intention. Because people have scars and we do not want to add on to it.”

8 of 30

Melissa Ricks

Hindi nagpatumpik-tumpik ang actress-turned-mom na si Melissa Ricks na mag-reply sa ilang bashers niya sa Instagram na may negatibong komento sa kaniyang pangangatawan.

9 of 30

Jessy Mendiola

Si Jessy Mendiola ay naging target ng ilang bashers sa pamamagitan ng pagpuna sa kanyang hita at ilong. Nilabanan ni Jessy ang mga bashers sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang body positive message. Anang aktres, "My body may not be perfect but that will not stop me from being confident with myself. I've had my fair share of body shaming comments. So I know how it feels like to be called "FAT" or "TUMABA." Well, just to inform some of you "PERFECT" people, weall come in different sizes and shapes but that shouldn't stop us from being happy with our own bodies."

advertisement
10 of 30

Kris Bernal

Isang post para sa mga taong patuloy na nagbibigay ng negative comments sa kanyang katawan ang inilabas ni Kris Bernal sa kanyang social media account. Ayon kay Kris ay mas okay na mag-focus sa masasayang bagay kaysa sa insecurities. "I feel good about myself and focus on the fun and not on any body insecurities I might have."

11 of 30

Sarah Lahbati

Six months na buntis si Sarah Lahbati nang siya ay nakatanggap ng ilang masasakit na salita mula sa body shamers. Pinaalala ni Sarah na dapat na ay maging positibo at huwag punahin ang ibang tao lalo na ang mga expectant mommies. “Respect pregnant women and think before you judge or open your mouth,” saad ng aktres.

12 of 30

Jasmine Curtis

Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkabahala sa biglaang pagpayat ni Jasmine Curtis kaya naman nilinaw niya na walang dapat na ipag-alala dahil maayos ang kanyang kalusugan. Ani Jasmine, "Hi all! Yep, I lost quite some weight recently, nothing to be concerned about. That's what happens when you're all around at home, at work, and at life. And I've been eating fairly clean lately.”

advertisement
13 of 30

Sharon Cuneta

Sa ilang pumuna ng timbang ni Sharon Cuneta, isang mensahe ang kanyang iniwan. Anang Mega Star, hindi naging madali ang kanyang journey to weight loss, "Well, it's taken discipline and willpower and constantly thinking of bigger things I could achieve without the extra, unhealthy body weight. Also, I developed a casual, nonchalant attitude towards haters.”

14 of 30

 Kylie Padilla

Pagkatapos ipanganak ni Kylie Padilla si Alas ay nakaranas siya ng pagpupuna sa kanyang timbang. Isang mahabang inspirational post ang ibinahagi ni Kylie para i-promote ang body confidence. Aniya, “There is no sin in being confident no matter what size, shape, color even race you are. Don't let people shame you. Ok I have said my piece so peace bye!”

15 of 30

Cacai Bautista

Pity umano ang nararamdaman ni Cacai Bautista sa mga taong mahilig mamintas ng kanilang kapwa. Ayon sa kanyang post, “I pity those body shame people in social media, in public, those who bash other people because of their looks. Oh well I am a hall of famer. I make them happy but I PITY them. When they don't see beauty in others, they don't see Beauty in Them.”

advertisement
16 of 30

Kim Domingo

Asia's Fantasy man ang bansag kay Kim Domingo ay hindi pa rin siya ligtas sa ilang netizens na nagbibigay ng negative comments sa katawan ng ilang celebrities na tulad niya. Ayon sa interview ni Kim, “Para sa akin kasi Diyos na lang ang bahala sa kanila.”

17 of 30

Lovi Poe

Kahit na binabansagang "body goals" si Lovi Poe ng ilang kababaihan, may mga pumupuna pa rin na may flat na parte umano ang kanyang katawan. Sa ilang workout photos niya ay nagbabahagi siya ng ilang paalala gamit ang #LoviYourBody para sa body positivity. Aniya, “Move it. Stretch it. Nourish it. Hydrate it. Pay attention to it - the better our bodies feel, the happier and more productive we are...”

18 of 30

Lauren Young

Confidence ang perfect na panlaban para sa mga body shamers. Ayon sa post ni Lauren Young ay proud siya ngayon sa kanyang curves. “I used to be so shy to post my OOTDs because of the fear of reading comments pointing to my body size, but today I'm confident and happy with my curves. Proud to be a balakang babe.”

advertisement
19 of 30

Bela Padilla

Fun under the sun ang adventure ni Bela Padilla sa Amanpulo, Palawan hanggang sa naging usap-usapan ang kanyang bikini photo. Agad naman itong sinagot ng aktres sa kanyang Twitter account. Aniya, "Shocked by the number of comments on my IG post, pointing out that I have a belly. Yes, I do. It holds my organs that I need to live. It has a layer of muscles that worked hard for in the gym and a layer of fat from the food I enjoy to eat. Deal with it. PLUS, I'm seated."

20 of 30

Dominique Cojuangco

Hindi kinaya ng anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco ang mga unsolicited advice sa kanyang katawan kaya naman sinagot ito ng dalaga sa isang Instagram post, "None of us should tolerate body shaming or shaming of any sort! Let's not deem this as “normal” - there's space for change. I hope that today and everyday we can be the type of people that lift each other's spirits."

21 of 30

Mariel de Leon

Body positivity naman ang mensahe ni Mariel de Leon sa mga taong naging biktima ng body shaming tulad niya. Aniya, "I've been a victim of body shaming and bullying. It does take time to learn to love yourself but you'll get there one day. Trust me. It took time for me but I learned to truly love myself, be happy, and not give a damn about what other people think of me."

advertisement
22 of 30

Gabbi Garcia

Sa isang post ni Gabbi Garcia ay inilahad niyang naging target siya ng bashers sa tuwing nagpo-post siya ng bikini photos. Ilan sa kanilang mga pinupuna ay ang stretch marks at ang kanyang flat chest. Kaya naman nilinaw niya na wala siyang dapat ikahiya sa kanyang pangangatawan.

23 of 30

Second body shaming post

Muling pinuna ang pangangatawan ni Gabbi Garcia sa isang event kung saan nagsuot siya ng isang figure-hugging dress. Ilang batikos mula sa netizens ang kanyang natanggap tulad ng "you look like you're two months pregnant" at "laki ng tiyan mo teh!" Isang matapang na sagot ang ipinost ni Gabbi sa kanyang Twitter account. Aniya, "hi to all the “body shame-rs” i'm deeply sorry for how sad your lives are."

24 of 30

Kim Molina

Mas pinili ng 'Rak of Aegis' actress na si Kim Molina na magbigay ng good vibes online matapos makatanggap ng masasakit na komento tungkol sa kanyang katawan, partikular na sa kanyang dibdib. Aniya, ““#NewNormal (P. S. Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa boobs kong hiwalay? Eh social distancing nga di ba. In all shape or form, WE ARE JOWABLE Sending good vibes to all ) #BodyPositivity.”

advertisement
25 of 30

Winwyn Marquez

Walang nakikitang masama ang Pinay beauty queen na si Winwyn Marquez kung ma-develop ang kanyang muscle sa katawan dahil sa kanyang pagwo-workout. Nang punahin ang kanyang umano'y “amazona body," binigyan-diin ng Kapuso star na wala siyang planong mag-adjust para sa kagustuhan ng netizen tungkol sa kanyang pangangatawan. Ika nga ni Winwyn, “My body, my choice.”

26 of 30

Carla Abellana

Hindi naman nagpaapekto ang aktres na si Carla Abellana nang mabasa ang “lumba-lumba” comment ng isang netizen sa isa niyang throwback photo.

27 of 30

Dianne Medina

Nagbigay linaw sa Instagram ang TV host at first-time mom na si Dianne Medina tungkol sa challenges ng pagbabawas ng timbang pagkatapos manganak. Ginawa ito ni Dianne nang mabasa ang “taba” comment sa Instagram photo niya noong November 22.

advertisement
28 of 30

Michele Gumabao

Naging target si Miss Universe Philippines 2020 2nd runner up Michele Gumabao ng pambabatikos dahil umano sa kanyang “malalaking binti.” Sinagot ito ng beauty sa kanyang Instagram post at ipinagmalaking “these muscles are only made for champions.”

29 of 30

JM de Guzman

Dinepensahan ng mga kapwa artista si JM de Guzman, matapos ibahagi ng TV-movie actor sa Instagram ang natanggap niyang body-shaming comment.

Payo ng host na si Tim Yap kay JM, “You are such an amazing actor. Your mastery of craft is what matters. Learn to ignore.”

30 of 30

Ruru Madrid

Hindi rin nakaligtas sa mga body-shaming comments ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.

Sa panayam niya sa '24 Oras', idinetalye ng Sparkle leading man kung paano niya unti-unting binago ang kanyang sarili.

Paliwanag ni Ruru, “Sinasabi ng mga tao para raw ako may sakit. Bakit daw parang may bulate daw 'yung tiyan ko. Ganun mga sinasabi nila.

“Nagtataka ako dati, bakit everytime may nililigawan ako lagi ako nababasted. Ayun, so binago ko po 'yun pananamit ko, mas gusto ko presentable. Gusto ko rin someday maging fitspiration ako ng mga tao.”

advertisement