Showbiz News

Love wins in the new WeTV original series 'BetCin' starring Kylie Padilla and Andrea Torres

By Aimee Anoc

Sa pinakabagong WeTV romantic comedy series na BetCin, sasagutin nina Kylie Padilla at Andrea Torres kung ano nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig?

Gaganap bilang social media celebrity couple sina Kylie at Andrea na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online. Gagampanan ni Kylie ang karakter ni Beth at bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.

Sa likod ng filtered posts, hindi ganoon kadali ang sitwasyon nina Beth at Cindy. Habang lumalayo ang loob nila sa isa't isa dahil sa pagkakaiba ng mga prayoridad at pangangailangan, mas lalo namang dumarami ang kanilang followers, ang Umamis.

Habang inaalam nila ang susunod na hakbang para sa kanilang relasyon, napili ang BetCin bilang isa sa finalists sa "#RelationshipGoals" na naghahanap ng internet's sweetest sweethearts. Ang hamon ay kinakailangan nilang mapaniniwala ang fans na maayos pa rin sila bilang isang couple para makarami ng likes at mapanalunan ang cash prize at iba pang mga papremyo.

Sa isang press interview, sinagot nina Kylie at Andrea kung ano ba para sa kanila ang pinakaimportante sa isang relasyon.

"Trust and respect. Personally, ang pinaka-important sa akin 'yung trust kasi once na masira 'yun parang mahirap na bumalik sa dati," sagot ni Kylie.

Para naman kay Andrea, respeto ang pinakamahalaga sa kanya. "For me respect. Kasi feeling ko kapag nire-respect niya ako there's no room for me to doubt."

Kasamang bubuo sa cast ng BetCin sina Elora Espano at Chai Fonacier. Ito ay mula sa direksyon ni Shugo Praico at sa panulat nina Fatrick Tabada at John Carlo Pacala.

Ayon kay WeTV Philippines manager, Georgette Tengco, napapanahon ang ganitong serye dahil madalas na napag-uusapan ang inclusivity.

"We feel that the time is right to put the spotlight on stories told from the lens of two women in a romantic relationship. This perspective is not often heard, and we wanted to give it the voice that it deserves," sabi ni Georgette.

"At the core of BetCin is a love story about two people navigating life and love as it plays out on social media. That's something we can all relate to," dagdag niya.

Mapapanood na ang BetCin sa WeTV sa darating na October 15, 8 p.m. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres para sa BetCin: