TV

Pagkabisto ni Kris Bernal bilang si Klaire sa 'Artikulo 247,' may mahigit 2M views na sa Facebook

By Jimboy Napoles

Umabot na sa mahigit two million views sa Facebook ang eksena ng pagkamatay ni Elijah at ang paghuli sa kriminal na si Klaire sa episode ng Artikulo 247, kahapon (May 18).

Sa nasabing episode, tuluyan nang namaalam si Elijah, ang karakter na ginagampanan ng aktor na si Mark Herras. Matatandaan na binaril siya ng kanyang asawa na si Carmen (Kris Bernal) upang hadlangan sila ni Jane (Rhian Ramos) na sabihin ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao na si Klaire. Dahil sa matinding tama ng baril ay nag-agaw buhay si Elijah sa ospital.

Pero bago malagutan ng hininga si Elijah, naisulat niya sa isang papel ang kanyang nalalamang katotohanan at ipinakita niya ito sa kanyang kapatid na si Noah Borromeo (Benjamin Alves). Dahil dito, nalaman na ni Noah na si Carmen at Klaire ay iisa at siya ang tunay na bumaril kay Elijah at napatunayan na si Jane ang nagsasabi ng totoo.

Kaliwa't kanan na sampal ang nakuha ni Klaire mula sa kay Sarah (Carla Martinez) ang ina nina Elijah at Noah. Agad din na pinahuli si Klaire sa mga pulis dahil sa kanyang ginawang krimen at panloloko.

Panoorin dito ang makapigil-hininga na eksenang ito:

Umani rin ng sari-saring reaksyon mula sa mga manonood ang nasabing eksena. Karamihan ay masaya dahil matagal na raw silang gigil na gigil sa karakter ni Kris.

"Tuwang-tuwa ako habang sinasampal at sinasabunutan ng mother-in-law. Kahit ako natutulog gigising at gigising ako para manood. Nakaka-stress ang mga eksena," komento ng isang Facebook user.

Dagdag naman ng isang netizen, "Hay salamat ilang araw din ako nanggigigil sa 'yo Klaire! Stress na nga ako sa uulamin dagdag kapa! charizz."

"Sa wakas lumabas din ang truth. Sa kakapanood ko nito, mapaglilihian ko na si Kris sa sobrang inis ko sa kanya," komento ng isang viewer.

Balikan at panoorin ang buong episode na ito, RITO:

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng Artikulo 247, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!