TV

Ashley Ortega ecstatic to work with fellow skaters Ina Feleo, Skye Chua in 'Hearts on Ice'

By Aimee Anoc

Makakatrabaho ni Ashley Ortega ang kapwa niya professional figure skaters na sina Ina Feleo at Skye Chua sa upcoming series ng GMA na Hearts on Ice.

Sa serye, gaganap si Ashley bilang isang figure skater, na bata pa lamang ay kinahihiligan na niyang sports. Bago pa man magsimula sa modeling at showbiz, first love na ng aktres ang figure skating.

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)

Sa interview ng GMANetwork.com, masaya si Ashley nang malamang makakasama rin niya sa serye sina Ina at Skye.

Aniya, "Actually natuwa ako when I found out na kasama si Skye kasi I would always see her train. Isa siya sa pinakamagaling na figure skaters natin ngayon sa Pilipinas.

"At the same time with Ate Ina I did a research about her. Siya 'yung kauna-unahang Pilipinang nanalo ng nationals noong time n'ya. Mas magaling pa siya mag-skating sa akin pagdating sa competitive skating before."

Bago pumasok sa showbiz si Ina, siya ang first national champion ng Pilipinas sa figure skating. Habang ang figure skating champion naman na si Skye ay 11 taon nang parte ng buhay niya ang sports na ito.

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang training sa figure skating nina Ashley, Ina, at Skye bago sumalang sa taping.

"I think it's something... we have to take advantage of it kasi syempre since kami 'yung may knowledge about skating, nagtutulungan kami. At least I don't feel alone. We get to relate with each other [and] the more figure skaters of the show the better," sabi ng aktres.

A post shared by Charmaine Skye Chua (@skyechua)

Makakasama rin ni Ashley sa serye ang leading man na si Xian Lim, Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, at Roxie Smith.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG HEARTS ON ICE RITO: