TV

Rita Daniela at Ken Chan, kinakabahan sa bagong roles para sa 'One of the Baes'

By Bianca Geli

Aminado sina Rita Daniela at Ken Chan na may konting kaba sila para sa bagong roles nila upcoming GMA primetime na One of the Baes.

Rita Daniela at Ken Chan

Gaganap si Rita bilang ang palaban na aspiring seafarer na si Jowalyn at si Ken bilang si Grant, isang environmental vlogger.

Dahil may impluwensiya ng marine industry ang storya ng One of the Baes, inaasahan na nina Rita ang Ken ang ilang maaksyon na eksena.

“Yes, isa 'yun sa mga nakakakaba, especially kay Rita, kasi 'yung story namin it's about marine industry, malaki ang pagkakahalintulad ng marine sa military,” paliwanag ni Ken.

Dagdag niya, “So, 'yun ang kailangan naming paghandaan, especially si Rita, kasi 'yun 'yung magiging story niya rito nasa marine industry at maraming physical activities na mangyayari.”

Biro naman ni Rita, “Habang napapanood po nila 'yung show pumapayat po kaming dalawa.”

Samantala, ready na raw ang dalawa na paghandaan ang kanilang bagong lead roles. “Hinihingi po 'yan ng aming characters, kailangan maging physically fit, 'yun 'yung isa sa pressure para sa amin.”

Challenge rin daw para kay Ken ang magkaroon ng sosyal na role.

“Napi-pressure rin ako sa character ko dahil sosyal at mayaman, medyo dun naman ako nahihirapan. Pero mapagmahal naman siya.”

Abangan ang RitKen sa kanilang first-ever GMA primetime drama, ang One of the Baes, malapit na!

EXCLUSIVE: Rita Daniela, pressured bang mapantayan ang success ng 'My Special Tatay'

EXCLUSIVE: Rita Daniela at Ken Chan, mahanap kaya ang forever sa bagong digital project?

EXCLUSIVE: Ken Chan, kinilabutan nang mapanood ang 'Family History' trailer