Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Apat na classrooms na may apat ng comfort rooms ang ipapatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Magallanes Elementary School sa Limasawa Island. Read more

Tila binagyo rin ang mga pangarap ng mga kabataan sa Barangay Magallanes sa Limasawa, Southern Leyte nang wasakin ng bagyong Odette ang kanilang eskuwelahan noong nakaraang taon. Kaya agad umaksyon ang GMA Kapuso Foundation para muling buuin ang kanilang pangarap, kasabay ng pagpapatayo natin ng mga bago at mas pinagandang silid-aralan. Makakaasa ang ating mga Kapuso na mas matibay na ang mga ito at maaari ring maging takbuhan sa panahon ng kalamidad. Read more

Apat na paaralang nasira ng bagyong Odette ang ipapaayos ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Kapuso School Development Project. Read more

Dahil batid ng GMA Kapuso Foundation ang kahalagahan ng edukasyon, patuloy nating isinusulong ang pagpapatayo at pagpapaayos ng mga paaralan sa iba't-ibang panig ng bansa. Kaya naman sa muling paggulong ng ating "Kapuso School Development Project," handog natin ang bagong eskuwelahan at mga silid-aralan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating donors at sponsors na naging daan upang masimulan na ang proyekto sa Surigao at Leyte. Read more

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng Father's Day gifts para sa 50 mangingisda mula sa Obando, Bulacan. Read more

Kahit minsa'y sumasakit na ang katawan dahil sa kanyang edad, tuloy ang pagkayod ng isang 63-anyos na mangingisda sa Bulacan. Kabilang siya sa mga haligi ng tahanan na hinatiran ng tulong at mga regalo ng GMA Kapuso Foundation bilang bahagi ng pagdiriwang ng 'Father's Day'. Read more

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng mga regalo para sa mga amang maglulubid sa Valenzuela bilang pagdiriwang ng Father's Day. Read more

Lahat ay kakayanin ng isang ama mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Ang isang haligi ng tahanan na nakilala namin sa Valenzuela, singtibay ng mga ginagawa niyang lubid at 'di basta-basta bumibitaw sa mga hamon ng buhay. Kasabay ng mga regalong hatid natin sa kanya at iba pang maglulubid sa kanilang lugar, isang maagang pagbati rin po ng "Happy Father's Day" sa lahat ng magigiting na ama!Lahat ay kakayanin ng isang ama mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Ang isang haligi ng tahanan na nakilala namin sa Valenzuela, singtibay ng mga ginagawa niyang lubid at 'di basta-basta bumibitaw sa mga hamon ng buhay. Kasabay ng mga regalong hatid natin sa kanya at iba pang maglulubid sa kanilang lugar, isang maagang pagbati rin po ng "Happy Father's Day" sa lahat ng magigiting na ama! Read more

Tinugunan ng GMA Kapuso Foundation ang hiling ng isang ama na maipasuri ang apat niyang anak na may special needs. Read more

Nito lamang Lunes, naitampok namin ang kuwento ng isang tatay sa Bulacan na mag-isang itinataguyod ang apat niyang anak na may special needs. Ang kanyang simpleng hiling sa nalalapit na 'Father's Day,' maipatingin at mailapit sa espesyalista ang kanilang kondisyon. Pero hindi lang 'yan ang inihandog ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Nagpadala ng mensahe sa GMA Kapuso Founation ang isang ama mula sa Bulacan para humingi ng tulong para sa apat niyang anak na may special needs. Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 1,000 pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Mt. Bulusan sa Juban, Sorsogon. Read more

Ngayong nalalapit na ang Father’s Day, tampok natin ang mga kuwento ng ilang magigiting na ama. Gaya ni Tatay Willy mula Bulacan na mag-isang itinataguyod ang 4na anak na lahat ay may special needs. Dahil hindi rin matatawaran ang pagmamahal ng isang ama, wala siyang ibang hiling na regalo kundi maipatingnan at matulungan ang kanyang mga anak. Read more

Ang mga pinaghirapang itanim para sana mapagkakitaan, nabalot sa abo at hindi na mapakinabangan. 'Yan ang kalbaryo ngayon ng ilang residente ng Juban sa Sorsogon, dahil sa pag-alburoto ng Mt. Bulusan. Upang kahit paano'y maibsan ang hirap at matustusan ang kanilang pangangailangan, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektadong pamilya. Read more

Agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga residenteng apektado ng pag-aalboroto ng Mt. Bulusan. Read more
advertisement

Kasabay ng pag-alburoto ng Mt. Bulusan, nabalot din ng takot ang mga residente ng Juban, Sorsogon. Dagdag pa sa pangamba nila ngayon ang pagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na ang inuming tubig. Agad namang nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa mga apektadong residente. Read more

Tinupad ng GMA Kapuso Foundation ang hiling na bagong saklay ng isang solo parent na naputulan ng binti dahil sa aksidente. Read more

Nakapagbigay ng libreng tuli o circumcision para sa mahigit 100 bata ang GMA Kapuso Foundation at partners nito. Read more

Ang hirap ng pagiging isang solo parent, lalo pang bumigat nang maaksidente at maputulan ng binti ang single mom na nakilala namin sa Maynila. Nahinto siya sa pagtatrabaho dahil pahirapan din ang pagkilos lalo't pinagtitiyagaan niya na lang gamitin ang luma niyang saklay. Kaya naman ang kanyang simpleng hiling, tinupad ng GMA Kapuso Foundation, kasama ng iba pang tulong para sa kanyang mga anak. Read more

Ang circumcision o pagtutuli, hindi lang basehan para masabing ganap nang binata! Mahalaga rin daw ito sa kalusugan at isa ring paraan para maiwasan ang impeksyon. Kaya naman suportado rin natin ang mga programang gaya ng "libreng tuli", na pinapayagan na ulit isagawa ngayon Read more