GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


GMA Kapuso Foundation, kinumusta ang lalaking natulungan matapos ma-stroke sa edad na 16

May 31, 2022
GMA Kapuso Foundation

Tinulungan ng GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking na-stroke sa edad na 16. Kumusta na kaya siya ngayon? Read more


Lalaking na-stroke sa edad na 16, gumaling sa tulong ng GMA Kapuso Foundation

May 30, 2022
GMA Kapuso Foundation

Tila nag-iba ang takbo ng buhay ng isang lalaking naparalisa ang isang kamay nang ma-stroke sa edad lang na 16. Ipinagamot at sinubaybayan ng ang kanyang mga therapy, hanggang sa tuluyan siyang gumaling. Sa muli nating pagbisita makalipas ang ilang taon,hindi lang sigla ng pangangatawan ang ating nasaksihan, kundi ang nanumbalik na pag-asa para tuparin ang kanyang mga pangarap. Read more


Ginang na 3 taon nang iniinda ang bukol sa kanyang tainga, nanawagan ng tulong

May 26, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ang ilang oportunidad na puwede sana subukan, pinalalagpas na lang muna dahil sa iniiindang karamdaman. 'Yan ang kalbaryo ng isang ina na hirap na nga sa mga pangkaraniwang gawain, hirap pang makapagtrabaho dahil sa bukol na tumubo sa kanyang tainga. Nang makarating sa GMA Kapuso Foundation ang tungkol sa kanyang kondisyon, agad tayong umaksyon at ipinatingin siya sa doktor. Read more


Batang may "Bullous Disease of Childhood" na naipagamot ng GMA Kapuso Foundation, nakabalik na sa pag-aaral at masaya nang nakikisalamuha sa iba | 24 Oras

May 25, 2022
GMA Kapuso Foundation

Limang taon na ang nakalilipas mula nang makilala natin si Alfred, ang batang taga-Northern Samar na may pambihirang sakit sa balat. Nagkalat sa kaniyang katawan ang makakapal at nangingitim na sugat, na nag-umpisa lang daw sa mga butlig. Personal na nakita ng GMA Kapuso Foundation ang kanyang kondisyon nang magsagawa tayo ng "Give-a-gift: Alay sa batang Pinoy Christmas Project" sa kanilang lugar. Agad nating siyang dinala at ipinatingin noon sa isang dermatologist sa Tacloban. Muli nating binalikan si Alfred at kinumusta ang kanyang kalagayan. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng medical services sa 100 mag-uuling sa Malabon

May 25, 2022
GMA Kapuso Foundation

Dahil Hypertension Awareness Month ngayong Mayo, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng medical services para sa 100 mag-uuling sa Malabon. Read more


100 mag-uuling sa Malabon, nakatanggap ng libreng medical exam ngayong 'hypertension awareness month'

May 24, 2022
GMA Kapuso Foundation

Dahil sa hirap ng buhay, marami sa atin ang mas inuuna ang pangangailangan ng pamilya, kahit minsa'y naisasakripisyo ang sariling kapakanan at kalusugan. Ngayong 'hypertension awareness month,' handog ng GMA Kapuso Foundation sa ating mga kababayan ang ilang libreng medical examination. Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang isang inang mag-uuling sa Malabon, na todo-kayod at tinitiis ang pagod para sa pamilya. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghandog ng sidecar sa magkapatid na vendor sa Antipolo

May 24, 2022
GMA Kapuso Foundation

Bukod sa sidecar mula sa GMA Kapuso Foundation, sunud sunod din ang tulong na natanggap ng magkapatid na vendor mula sa Antipolo. Read more


Magkapatid na nagtitiyagang magtrabaho kahit sa murang edad, nakatanggap ng sunud-sunod na tulong

May 23, 2022
GMA Kapuso Foundation

Mga kapuso, natatandaan n'yo pa ba sina Patchao at Tommy? Sila po ang magkapatid na nakilala namin sa Antipolo City, na kahit mga bata pa ay kumakayod na para sa pamilya. Sa ilalim ng matinding sikat ng araw, nagtitiis silang maglakad at magbuhat ng mabibigat na karton ng prutas at itlog para ilako. Muli po natin silang binalikan at kinumusta. Read more


GMA Kapuso Foundation, bibigyan ng hearing aid ang isang sari-sari store owner sa Cavite

May 23, 2022
GMA Kapuso Foundation

Sumulat sa GMA Kapuso Foundation ang isang sari-sari store owner para humingi ng tulong sa pagpapayos ng kanyang tindahan. Read more


67-anyos na sari-sari store owner sa Cavite, hiling na maipaayos ang kanyang tindahan at mabigyan ng mga gamot ang asawang may sakit

May 20, 2022
GMA Kapuso Foundation

Nagsisilbing biyaya sa kanyang kapwa ang isang sari-sari store owner sa Cavite. Sinisikap niyang makatulong sa iba, kahit siya mismo, mayroon ding pangangailangan. Mahina na ang kanyang pandinig at may sakit naman ang kanyang asawa. Kaya sumulat siya sa GMA Kapuso Foundation, para ilapit ang kanyang simpleng kahilingan. Read more


Babaeng may bukol sa maselang bahagi ng katawan, nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

May 20, 2022
GMA Kapuso Foundation

Nagpadala ng mensahe sa GMA Kapuso Foundation ang isang babaeng may bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Read more


Babaeng tinubuan ng bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan, nananawagan ng tulong

May 19, 2022
GMA Kapuso Foundation

Pasintabi po, mga kapuso. Sensitibo po ang inyong sunod na mapapanood. Dumulog sa GMA Kapuso Foundation ang isang babaeng 24 taong gulang na halos dalawang taon nang pinahihirapan ng bukol na tumubo sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Agad naman tayong tumugon at minabuti natin siyang puntahan para sa agarang tulong. Read more


Batang may hirschsprung disease, nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

May 19, 2022
GMA Kapuso Foundation

Nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang tatlong taong gulang na batang may hirschsprung disease. Read more


3-anyos na batang may 'hirschsprung disease,' nangangailangan ng tulong para sa kanyang operasyon | 24 Oras

May 18, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ika nga nila, ang sakit na nararamdaman ng anak, doble para sa isang magulang. Gaya ng dinadala ngayon ng isang single mom sa tuwing nakikitang nahihirapan ang kanyang anak dahil sa kanyang karamdaman. Mga Kapuso, kailangan po niya ng ating tulong para maipatingin at maisailalim sa operasyon. Read more


GMA Kapuso Foundation, hinandugan ng bagong nebulizer ang isang solo parent

May 18, 2022
GMA Kapuso Foundation

Hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng bagong nebulizer ang isang solo parent na nanghihiram lang nito tuwing hinihika ang kanyang anak. Read more

advertisement


Hiling ng isang ina na groceries para sa kanyang pamilya, binigyang-katuparan ng GMA Kapuso Foundation

May 17, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ang pagiging solo parent, mabigat na pagsubok lalo na kung hirap na nga sa buhay may iniinda pang sakit ang isa sa iyong mga anak. Ito ang kalbaryo ng isang ina sa Tagaytay City na mag-isang itinataguyod ang tatlo niyang anak, kaya doble-kayod sa paglalabada. Sinubukan niyang sumulat sa GMA Kapuso Foundation, sa pag-asang mabibigyang katuparan ang simpleng hiling para sa kanyang pamilya. Read more


GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 122 blood bags sa ginawang bloodletting project

May 16, 2022
GMA Kapuso Foundation

Nakalikom ng 122 blood bags ang GMA Kapuso Foundation sa isinagawa nitong Sagip Dugtong Buhay bloodletting project. Read more


GMA Kapuso Foundation, nakatanggap ng mga donasyon para sa pagpapatayo ng apat na clasroom sa Siargao

May 13, 2022
GMA Kapuso Foundation

Nakatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng mga donasyon mula sa Apex Mining Co. Inc. at New Zealand Embassy na gagamitin para sa pagpapatayo ng apat na classroom sa Siargao. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagpapasalamat sa lahat ng donors; mga bago at mas matitibay na silid-aralan, ipatatayo sa Siargao Island

May 12, 2022
GMA Kapuso Foundation

Sa ating layunin na mabigyan ng magandang edukasyon at kinabukasan ang mga kabataan, katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang ating donors at sponsors para ito ay maisakatuparan. Kaya taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nagpaabot ng donasyon, na malaking tulong sa pagpapatuloy ng ating 'Kapuso School Development Project.' Maraming mag-aaral at guro ang mabibigyan natin ng pag-asa sa mga ipatatayo nating bagong classroom sa mga lugar na pinadapa ng Bagyong Odette. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghandog ng wheelchair sa isang batang may cerebral palsy

May 12, 2022
GMA Kapuso Foundation wheelchair

Nanawagan as GMA Kapuso Foundaton ng wheelchair ang isang ina para sa kanyang anak na may cerebral palsy. Read more