Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Sumulat sa GMA Kapuso Foundation ang isang 69-year-old na ina mula sa Bulacan para humiling ng sewing machine. Read more

Sa kabila ng kaniyang edad, hindi alintana ng isang ina sa Bulacan ang hirap at pagod sa pagtatrabaho, makatulong lang sa panggastos ng kanilang pamilya. ero malaking kaginhawaan daw sana kung mayroon siyang sariling gamit sa kanyang pagha-hanapbuhay. Kaya naman naisip niyang sumulat sa GMA Kapuso Foundation, sa pag-asang mabibigyang katuparan ang kanyang simpleng hiling. Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 1,840 indibidwal na nasalanta ng bagyong Agaton sa President Roxas, Capiz. Read more

Mala-bangungot na alaala ang iniwan ng bagyong Agaton sa isang ginang na nakilala namin sa President Roxas sa Capiz. Ang kanila kasing tahanan at halos lahat ng pinagkukunan ng kabuhayan, nawala sa isang iglap. Para maghatid ng pag-asa sa mga kagaya niyang higit na naapektuhan ng bagyo, agad silang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Ang malapit na sanang kitaing pera... naging bato pa! 'Yan ang mapait na sinapit ng isang palaisdaan sa Capiz na napinsala ng baha nang humagupit ang bagyong Agaton. Dahil hirap pa rin ang maraming residente kung paano makakapagsimula ulit lalo't nilimas din ng bagyo ang kanilang kabuhayan, hatid natin ang tulong sa ilalim ng "Operation Bayanihan." Read more

GMA Network through GMA Kapuso Foundation (GMAKF) recently turned over construction materials to the Armed Forces of the Philippines (AFP) under GMAKF’s Operation Bayanihan: Odette and Kapuso Para Sa Kawal projects. Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa 7,356 indibidwal na naapektuhan ng landslide sa Leyte. Read more

Naka-marka na sa katawan ng ilang taga-Leyte ang lupit ng bagyong Agaton dahil sa mga pilat na iniwan ng pasa at sugat nang magka-landslide roon. Pero ang mga pilat na ito, magsisilbing palatandaan ng kanilang kabayanihan mula sa pagtulong at pagiging matatag sa gitna ng unos. Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 1,080 residenteng naapketuhan ng bagyong Agaton sa Leganes, Iloilo. Read more

Isa sa mga higit na sinalanta ng bagyong Agaton ang Iloilo, kung saan maraming bahay ang nalubog sa baha. Ang mga pananim na sana'y mapagkakakitaan ng mga residente, hindi rin nakaligtas. Kaya naman isa rin ito sa mga agad na tinungo ng GMA Kapuso Foundation para maghatid ng mga tulong. Read more

Maraming pamilya sa Baybay, Leyte ang nangungulila ngayon sa ilan nilang mahal sa buhay. Sa paghagupit kasi ng bagyong Agaton sa kanilang lugar, hindi lang bahay, kundi pati mga buhay ang kinuha nito. Para kahit paano'y mabawasan ang bigat na nararamdaman ng mga residente, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng "Operation Bayanihan," hatid ang tulong sa mga sinalanta. Read more

Ang dating kulay berdeng palayan at kabundukan sa Baybay City sa Leyte, nagkulay-putik matapos ang matinding pagbaha at landslide bunsod ng bagyong Agaton. Hanggang ngayon, marami pa ring nananatili at posible pang magtagal sa evacuation centers. Agad umaksyon at nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong. Read more

Naantala ng pandemya ang pagpapagamot ng GMA Kapuso Foundation sa dalawang bata na may namamagang dila. Read more

Noong nakaraang taon, nakilala natin si Jay-R, ang batang may malaking dila. Naantala ang kanyang pagpapagamot dahil sa pandemya -- pero ngayon, salamat sa inyong tulong, maipapagamot na natin siya at isa pang may halos kaparehong kondisyon ni Jay-R Read more

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang bata mula sa Batangas na nagsusugat ang kamay tuwing nasasagi. Read more
advertisement

Anim na taon nang tinitiis ng isang bata mula Batangas ang kaniyang sugat sa kamay. Nag-umpisa raw ang sugat sa kaniyang "balat" dahil dito naapektuhan ang pag-aaral ng bata. Masakit para sa kaniyang mga magulang na makitang nahihirapan siya, kaya naman lumapit sila sa GMA Kapuso Foundation para maipagamot ang kaniyang mga sugat. Read more

Naghatid ng relief goods ang GMA Kapuso Foundation sa 1,400 pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Agusan del Sur. Read more

Dahil sa walang tigil na pag-ulan noong nakaraang linggo sa Bunawan, Agusan del Sur, maraming bahay ang nalubog sa baha. Pati ang kanilang mga pananim na puwede pa sanang pagkakitaan o kainin, hindi rin nakaligtas. Kaya ang ilan, hirap ngayon kung saan kukuha ng panlaman-tiyan. Hindi nag-atubili ang GMA Kapuso Foundation, na agad nagtungo sa kanilang lugar para maghatid ng tulong. Read more

Naghatid ng relief goods ang GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Agusan del Sur. Read more

Ang ilan nating mga kababayan sa Bunawan, Agusan del Sur, nagtitiis pa rin sa tubig-baha na dala ng pag-uulan noong nakaraang linggo. Pati ang kanilang mga kabuhayan nasira rin. Kaya kahit masama ang panahon, agad na nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa kanilang lugar para maghatid ng tulong sa ating mga kababayan. Read more