Ilang local government units (LGUs) ang nag-anunsyo na suspendido ang face to face classes o walang pasok sa paaralan sa Martes, November 17, 2026 dahil sa mataas na heat index at iba pang dahilan.
Narito ang listahan ng mga apektadong lugar:
Guinobatan, Albay-- Limitado ang face-to-face classes sa lahat ng elementary at secondary schools na mula 6:30 AM hanggang 10:45 AM dahil sa heat index forecast na aabot sa 38°C batay sa pagtaya ng PAGASA.
Aroroy, Masbate-- Idineklarang Special Non-Workinf Day ang Nov. 7, 2026 para sa selebrasyon ng pagkakatatag ng kanilang bayan.
Metro Manila-- Dahil sa idinadaos na 49th ASEAN Summit and Related Summits na idineklarang Special (Non-Working) Days ang NOVEMBER 16, 17 & 18, 2026 sa ilalim ng Proclamation No. 1447, s. 2026.
Talisay City, Cebu—Magpapatupad ng adjusted class schedules sa lahat ng public schools dahil sa matinding init at dengue cases.
I-refresh ang page para sa update—FRJ GMA News
