Aminado ang Kapuso journalist na si Mariz Umali na certified ARMY o fan siya ng K-pop sensation na "BTS" o Bangtan Boys. Ano nga ba ang nakita ni Mariz sa grupo para hangaan niya?
"'Pag tinitingnan mo lang sila mapapangiti ka na, sobrang ang saya ng pakiramdam," sabi ni Mariz sa "Stories of Hope," dahil sa good vibes at mabuting mensahe na inihahatid ng naturang K-pop group.
"I really appreciate and admire their songs, 'yung galing nila sa pagsayaw, sa pag-rap, 'yung hitsura nila. Ang cute-cute lang nila," dagdag ni Mariz.
Nahumaling daw si Mariz nang malaman niya ang kuwento sa likod kung paano nabuo ang grupo na binubuo nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.
Galing sila sa iba't ibang probinsiya sa South Korea, at nagsimula sa munting pangarap, hanggang sa mapansin ang kanilang mga talento.
Inilahad ni Mariz kung sino ang kaniyang "bias."
"Ang bias ko si V, number one si V, tapos si Jin, Jimin, Jungkook," saad ng Kapuso reporter.
Bilang isang fan ng K-drama at K-pop, bahagi si Mariz ng "fangirling with a purpose" kung saan nag-oorganisa ang kanilang grupo ng charity works para tumulong at magbigay-saya sa mga nangangailangan.
Tunghayan ang buong kuwento sa video ng "Stories of Hope."
--FRJ, GMA News