Hindi man madali pero paunti-unting nagawa ni Bea Alonzo na maka-move on mula sa heartbreak.

“I surrounded myself with people I trust, people who had been there for me for so many years, especially my family,” sabi ni Bea sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo.

"Ang pamilya ko talaga ang parang pumulot ng pira-pirasong nahulog," patuloy niya.

Pag-amin ni Bea, hindi pa rin niya masabi kung magagawa na ba niyang magpatawad.

"Sometimes, iniisip ko, "Mayroon bang mali sa akin na hindi ko kaya pang magpatawad? Bakit ganito? Parang naiinis pa rin ako?' Pero sabi nga ni mama, kaniya-kaniyang proseso siya,” paliwanag ng bagong Kapuso.

“You don’t have to beat yourself up for not being able to forgive kasi proseso mo 'yan eh,” dagdag pa niya.

Ang mahalaga umano, "You’re focusing on yourself, and that [now, I know] I am deserving of love, I deserve to be loved and I am enough.”

Noong 2019, pinag-usapan ang hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson.

Nasangkot din sa kontrobersiya si Julia Barreto, na karelasyon na ngayon ni Gerald.— FRJ, GMA News