Ipinaliwanag ni Bea Alonzo kay Jessica Soho ang dahilan kung bakit siya lumipat sa GMA Network. Samantala, magkikita na kaya nang personal sina Basha at Popoy?

Sa panayam sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ng award-winning actress na nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-isip ngayong panahon ng pandemic.

"[When GMA's offer came], it came at the right time and it just felt right," saad niya. "I follow my heart."

Patuloy pa ni Bea, "Kapag magaan, tama. Pati 'yung pagpapaalam ko sa ABS-CBN."

Aminado si Bea na hindi naging madali ang kaniyang pagpapaalam at naging emosyon din siya dahil 20 taon siyang naging Kapamilya.

"I will never forget everything that they have done for me," sabi naman ni Bea sa kaniyang vlog.

Pagtiyak ng aktres, maaayos ang lahat sa kaniyang naging desisyon.
"[I know] in my heart I got the blessing of my past bosses," pahayag niya. "I know na wala akong tinapakang tao."

Itinuturing ni Bea na panibagong yugto ng buhay ang kaniyang pagiging Kapuso.

"I'm ready to still chase my dreams," sabi pa ng aktres.

Samantala, susubukan ng "KMJS" na ipaulit kay Bea ang linya sa ilan niyang naging proyekto.

May inihanda ring sorpresa sa kaniya ang programa. Magkakasama kayang muli sina Basha at Popoy? Panoorin ang video.—FRJ, GMA News