It’s a girl ang magiging panganay na anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Sa isang vlog na ipinost nitong Huwebes, nagdaos ng gender reveal party ang mag-asawa para sa kanilang “Baby Peanut.”

Dumalo ang kani-kanilang pamilya, kabilang ang ina ni Luis na si Vilma Santos.

Sa pagsisimula ng vlog, sinabi ni Jessy na, “Team boy ako.”

Nakasuot naman si Luis ng pink polo at pink face mask na nagpahayag ng paniniwala na babae si "Baby Peanut."

Sa comment section, naniniwala ang kanilang fans na baby girl ang magiging anak ng mag-asawa dahil sa pagiging "blooming" ng aura ni Jessie.

Sa main event ng party, si Jessy ang may hawak ng malaking balloon, habang si Luis ang tumusok nito gamit ang pin.

At nang pumutok ang lobo, pink confetti ang lumabas na indikasyon na babae ang nasa sinapupunan ni Jessie, na halos maluha-luha sa tuwa.

“Oh my gosh, we’re having a girl! I’m just really, really happy and I’m sure [the baby’s] happy right now kasi nung nag-sa-scan kami, naka-smile na siya kaagad,” saad ng aktres.

“I’m just really so excited,” dagdag niya.

Mensahe naman ni Luis sa paparating na anak, “Peanut, we love you. Sabi namin na first and foremost, it’s always the priority is for Peanut to be healthy regardless of the gender. But mommy and I will do our best to raise you for you to be a blessing to other people.”

“So ngayon palang Peanut, alam mo na ha, wala munang lalabas,” dagdag niya. "Thank you very much Peanut. And ngayon palang, we love you very much." —FRJ, GMA News