Aminado si Alice Dixson na hindi niya masyadong minahal noon ang kaniyang trabaho noong kabataan pa niya. Lagi raw siyang “late” dumating sa set kaya galit din sa kaniya noon ang mga katrabaho gaya ni Dina Bonnevie.

Sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, sinabi ni Alice na nagsimula siyang umarte sa edad na 17, at hindi trabaho ang tingin niya rito kung hindi “fun.”

Kaya naman hindi raw niya sineryoso noon ang trabaho na ibinigay sa kaniya noong kabataan niya, at palagi siyang late dumating sa set.

"I did it because it was fun, I didn't really treat it as work. So, hindi ko minahal at nirespeto ang trabahong ibinigay sa akin as a teenager. I've felt that it was you know really not work, and I was always late," paglalahad niya.

Sinabi ni Alice na hindi siya gusto noon ni Dina dahil sa pagiging late niya sa set.

"You don't respect your katrabaho kapag lagi kang late, 'cause you're not respecting their time, so when I was younger I was like that," pagbahagi niya.

Lagi rin umano siya sa mga club para magsaya at nagpupuyat.

"Then I would say I'm not feeling well para magtrabaho in the morning. Hindi ko minamahal ang trabaho,” balik-tanaw pa niya.

Pero nagbago raw ang lahat nang mabigyan siya ng second chance na bumalik sa trabaho noong 20s niya sa tulong ni Mother Lily Monteverde.

"Doon ko na-realized I really love what I do, I love acting, let me give it the full love and professionalism and care that it should have," ani Alice.

"And that's when I started, I think I got nominated for an award back then, and then nag-grew yung pagmamahal ng producers sa akin," dagdag niya. —FRJ GMA News