Binalikan ni Alden Richards ang kaniyang humble beginnings noong matanggap niya ang kaniyang unang sahod. Ibinahagi niya kung papaano siya gumagawa ng desisyon sa buhay.

"I think 'yung unang suweldo ko was P10,000, 'yun yata ang pinakaunang payslip ko sa GMA," kuwento ni Alden sa Kapuso Showbiz News.

Natutunan ni Alden na hindi sapat na itago lamang sa bangko ang pera.

"Mga first year ko sa GMA, lahat ng sahod ko it goes to the bank, which is a mistake for me. Kasi kapag hindi mo alam, doon ka muna sa mas safe. Actually putting your money in the bank is not an investment, but doon ko muna siya nilagay lahat," saad ng Asia's Multimedia Star.

Inalala rin ni Alden na hamon noon sa kaniya ang pagtatrabaho sa Maynila dahil nakatira siya sa Laguna at araw-araw silang nagko-commute ng kaniyang kasama.

Dahil dito, naisip ni Alden na dumiskarte at humanap pa ng ibang paraan ng pagkakakitaan.

"With the income that I'm having at that moment, kinonsider (consider) ko muna 'yung quality of life ko, how do I make my life at the moment more productive?" saad niya.

"Inuna niya munang ayusin para mas maraming trabahong magagawa at ma-produce na income," dagdag ni Alden.

Hanggang sa makabili si Alden ng isang second-hand na kotse.

"Lakasan lang ng loob. Trust your gut, sometimes 'yung gut feel is a very powerful tool when it comes to decision making. Doon ako nag-start nagkaroon ng mind conditioning na ah, ganito pala ang buhay. If you want something, you work hard and still it will all boil down with being with the right people, be with the right team, kasi hindi mo 'yan kayang mag-isa," saad niya.

Ipinagdiriwang ni Alden ang kaniyang ika-12 taon sa showbiz ngayong taon. Higit pa sa pagiging artista, mahalaga rin para kay Alden ang pagtulong sa mga tao.

"'Yung fruition no'n was, gaano na ba karaming tao 'yung natulungan ko, itong hardwork and efforts ko, ano ang nagawa nito sa family ko, sa mga taong mahal ko sa buhay? When I look at that, kapag okay ang result, okay sa mas malaking perspective ko, it means successful na ako in that aspect," paliwanag niya.--FRJ, GMA News