Nakapag-senyal na ng "ok" ang miyembro ng bandang Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee habang patuloy na ginagamot sa ospital.

Nitong Martes, nag-post ng larawan ang mga kabanda ni Gab sa Facebook na makikita ang “ok” sign niya gamit ang kamay.

“He’s still at the ICU but steadily improving. Please keep sending positive vibes to him and praying for his full recovery,” saad sa caption ng larawan.

“He says thank you to all of you - friends, family, fans, and even strangers who have extended help in whatever way or form,” dagdag nito.

Nitong Enero, sinimulan ng Parokya ni Edgar ang raising funds para sa pagpapagamot ni Gab na nagkaroon ng pneumonia, dulot ng komplikasyon sa lymphoma.

May nakatakdang tugtugan sa February 25 para kay Gab: RakEnRol4Gab at 70’s Bistro, Razorback x P.O.T at Estancia Mall, at Bike & Beach 2023 na magsisimula sa Alpas, La Union.

Kamakailan lang, ipinsubasta ang isang gitara na may pirma ng Eraserheads members na umabot ang halaga sa P1.3 million. — FRJ, GMA Integrated News