Sa Instagram post sa Araw ng mga Puso, inihayag ni AJ Raval ang kanilang matinding pagmamahal kay Aljur Abrenica.

Nitong Martes, nag-post ng kanilang mga larawan na magkasama sina AJ at Aljur, na matagal nang napapabalitang magkarelasyon.

Si AJ, larawan na magkasama sila ni Aljur ang ipinost at magkahawak ng kamay.

Saad ni AJ sa caption, "I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally."

Nag-post naman si Aljur ng red heart emoji sa comment section ng post.

Sa post naman ni Aljur na walang caption, makikita na magkaakbay ang dalawa sa tabi ng isang motorsiklo.

Taong 2021 nang mapabalitang dating sina AJ at Aljur. Nangyari ito matapos ang hiwalayan ni Aljur at Kylie Padilla.

Pero itinanggi noon ni AJ na third party siya sa paghihiwalay ng mag-asawa.—FRJ, GMA Integrated News