Binisita at binigyan ng special treat ni Bea Alonzo ang ilang kabataang biktima ng pang-aabuso, bilang pagdiriwang sa latest milestone ng kaniyang vlog na mayroon nang tatlong milyong subscribers.

Sa kaniyang latest vlog, mapapanood ang pagbisita ni Bea sa End Child Prostitution and Trafficking (ECPAT) kung saan ipinasyal niya ang mga bata sa isang business simulation playground na tinuturuan ang mga bata na magnegosyo.

 

Sama-sama sina Bea at ang mga bata na gumawa ng crafts tulad ng keychain at ceramics.

Niregaluhan pa si Bea ng isa sa mga babae ng keychain na kanilang ginawa. —LBG, GMA Integrated News