Hinimok ni Barbie Forteza ang viewers na maging responsable sa kanilang pag-stream at manood ng Kapuso shows mula lamang sa opisyal na page ng GMA Network at lehitimong sites.

Isa si Barbie sa mga ambassador ng “Stream Responsibly Fight Piracy,” kung saan sinabi niyang mas marami pang quality shows ang aasahan mula sa Kapuso Network dahil sa patuloy na suporta ng viewers.
 
“Doon po tayo sa legit. Bukod sa mapapanood nang malinaw at buo ang episodes, may English subtitles pa,” sabi ni Barbie.

“Kaya stream responsibly and together let’s fight piracy,” dagdag niya.
 
Nauna rito, pinaigting ng GMA Network ang laban nito kontra pamimirata matapos umanib sa Alliance For Creativity and Entertainment, ang pinakamalaking anti-piracy alliance sa mundo. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News