Balik na sa pagsasayaw si Gardo Versoza kasama ang ilang doktor at staff sa ospital na tumutulong sa kaniya sa pag-recover matapos siyang atakihin sa puso.

Sa kaniyang Tiktok at Instagram, makikita na game na sumabay sa pag-indak at paggiling ang mga doktor at staff sa dance moves ni Gardo.

 

Ikinatuwa ito ng netizens, na nagpaabot ng kanilang well-wishes para sa tuloy-tuloy na paggaling ni Gardo.

Kasalukuyang nasa rehab si Gardo para sa therapy matapos atakihin sa puso.

Inilahad ni Ivy Vicencio, asawa ni Gardo, na bumuti na ang kalagayan ng aktor at pinayagan na muna siya ng mga doktor na makauwi.

Dinala si Gardo sa ospital noong Marso matapos makaranas ng pananakit ng likod. —LBG, GMA Integrated News