Bagama't hindi pinangalanan, inihayag ni Sanya Lopez na ka-"close" niya ang kaniyang ka-date ngayon, at patuloy niya itong kinikilala.Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Sanya kung tamang taon na ang 2025 para magka-boyfriend siya."Sa palagay ko Tito Boy time na. Hindi na tayo pabata, may time naman din tayo para doon din, and I think it's time," sabi niya.Dagdag ni Sanya, mahalaga sa kaniya ang balanse sa career at lovelife."Balance. As long as hindi ko napababayaan ang trabaho ko, nagagawa ko nang maayos lahat ng trabaho ko at hindi siya nagiging sagabal," saad ng aktres.Inilahad ni 28-anyos na Sanya, ang edad na gusto na niyang magkapamilya."Ako as babae, gusto kong magkaroon din ng pamilya. I hope magkaroon ako ng family ng kahit 32, 33," saad niya. "Hindi naman na siguro masama."Inusisa ni Tito Boy si Sanya tungkol sa maraming bulaklak na kaniyang natanggap noong Valentines Day."Is he somewhere close to you now?" tanong ng King of Talk."Opo, meron naman," tugon ni Sanya, na tila nag-alinlangan sa pagsagot. "Nakakakaba naman 'pag si Tito Boy ang nagtatanong.""Pero every Valentine naman po marami," sabi niya."I'm talking about that potential boyfriend. Nandiyan na? Dumating na?" pagdiin ni Tito Boy."Makikita natin Tito Boy. Kasi nandoon pa lang ako sa kinikilala ko talaga 'yung tao," sabi ni Sanya."Naghahanap kasi ako hindi na 'yung pangmadalian na relasyon," dagdag niya. "I'm not any getting any younger, naghahanap ako ng partner na talaga, hopefully."Mensahe ni Sanya sa kaniyang potensyal na boyfriend: "If ever kung nasaan ka man, kung nandiyan ka na... Gabayan mo kami Lord. Gusto ko si Lord lang ang nasa center namin, kasi kapag may takot ka sa Kaniya eh... Siguro ako na 'yung pangalawa.""Sana ingatan mo ang heart ko kasi if ever ikaw ang first boyfriend ko eh. Sana siya na 'yung first husband ko soon, kung siya man ang ibibigay ni Lord sa akin. Lord nasaan na siya?," sabi pa ni Sanya.Nauna nang sinabi ni Sanya na dating siya ngayon, bagama't single pa rin.-- FRJ, GMA Integrated News