Binigyan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng absolute pardon o ganap na kapatawaran ang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso, batay sa nakalap na impormasyon ng GMA News nitong Biyernes.

"Sige, I'll give you a scoop. Pinirmahan ko na... Pinirmahan ko na ‘yung pardon niya kahapon," sabi ni Marcos sa isang panayam kay Vonne Aquino ng GMA News.

Kinumpirma na ng Palasyo na seryosong pinag-iisipan ang pagbibigay ng absolute pardon kay Veloso. — Jamil Santos/RSJ GMA News