Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibinaba na sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Iraq. Dahil dito, hindi na kasama sa deployment ban ang ilang returning overseas Filipino workers.

Sa inilabas na pahayag ng DFA nitong Martes, sinabing ibinaba sa "3" ang dating Alert Level 4 dahil nagkakaroon ng pagbuti ng security situation sa nasabing bansa, at kahilingan na rin ng mga OFW.

Dahil dito, magiging "voluntary" na lang ang repatriation sa mga OFWs, at hindi na mandatory na ipinatupad noong nakaraang taon.

Sinabi rin ng DFA na exempted na ang returning OFWs sa deployment ban, pero ibabatay ito sa mga kondisyon na ilalatag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board.

Gayunman, pinapaalalahan pa rin ng DFA ang mga Pinoy sa Iraq na patuloy na mag-ingat at mapagmatyag. --FRJ, GMA News